Chapter Thirty Sa ikatlong araw na pagbabantay ni Quinn sa ospital ay kinausap siya ng Doktor. Kakailanganin na raw na operahan ang kanyang Mommy Thet. Her Mommy Thet will undergo to a heart bypass surgery once she wakes up. Siya na ang pumirma sa lahat ng mga papeles nito. Hindi niya alam kung bakit wala pa rin ang Ate Mikka niya at Kuya Arthur. Hindi man lang bumibisita ang mga ito sa kanilang ina na kasalukuyang naka-confine ngayon. Naka-schedule namang dumalaw mamayang hapon sina Troy at Terrence sa kanya. Ang usapan nila ay every weekend na lang siya dadalawin ng mga ito. Kasalukuyan niyang pinupunasan ang katawan ng Mommy Thet niya nang marinig niyang biglang bumukas ang pinto ng private room kung nasaan siya. Napangiti pa siya dahil inakala niyang sina Troy at Terrence na ang duma

