Chapter Thirty Seven Dinidikitan na ni Quinn ang kotse ni Mikka ngayon. Wala siyang pakialam kung magasgasan man ang kotse niya. Ang mahalaga ay mabawi niya ang anak niya. Hindi siya papayag na gamitin ni Mikka ang anak niya para sa kasamaan at sa kung ano man ang plano nito. Alam niya, may kutob si Quinn na plano nitong gamitin ang anak niya para makakuha ng hati sa manang ibinigay ng Mommy Thet niya sa kanya pero hindi siya papayag. Aalagaan niya ang dalawa. Ang anak niya at ang manang ibinigay sa kanya. Ginitgit niya nang tuluyan ang kotseng dala ni Mikka hanggang sa tuluyan na itong huminto at bahagyang bumangga sa isang mataas na gutter sa gilid ng kalsada. Mabilis na bumaba si Quinn at pinuntahan ang pwesto kung nasaan ang kanyang anak ngunit nakalock ang pinto ng mga ito kaya no

