Chapter Thirty Nine Kinaumagahan ay nagising si Quinn na nasa isang puting kwarto na siya. Nakaramdam siya na kailangan niyang magbanyo dahil naiihi siya kaya dahan-dahan siyang bumangon. Nakita niya kasing mahimbing na natutulog si Troy sa sofa kaya maingat siyang lumakad papunta sa banyo. Kasalukuyan siyang umiihi nang makarinig siya ng katok sa pinto. "Quinn? Nandiyan ka ba? Ayos ka lang?" Tila natatarantang sabi pa ni Troy. "Oo. Sandali," mahinang tugon naman ni Quinn. Lumabas siya sa banyo at naabutan niyang kunut na kunot ang noo ni Troy at tila alalang-alala ito. "Bakit ka tumayo mag-isa? Dapat ginising mo 'ko," natatarantang sabi nito sa kanya. "Sa banyo lang naman ako. Bakit gigisingin pa kita?" Nagtatakang tanong naman ni Quinn habang naglalakad siya palabas sa pinto ng b

