zeus povs:
Pagtapos ng kaganapan namin ni lucy ay nilinisan ko na ito saka ko binihisan at inihiga sa kama ko.
Pinagmasdan ko ang maamo nyang mukha, akala ko dati kaibigan lang ang turing ko sa kanya pero mali ako dahil kapag wala sya hinahanap ko sya, inaasar ko para pansinin nya ko immatured man yun pero ayun yung way ko para mapansin nya ko.
"goodnight, " sabi ko saka ko sya hinalikan sa noo.
Napabangon ako ng may pumasok sa kwarto ko gamit ang bintana kaya mabilis kong kinuha ang baril ko.
Tumayo ako saka mo sya tinutukan ng baril habang nakatalikod sya sakin.
"nak malaki na talaga yan pututoy mo ahh, " natatawang sabi nito kaya nangunot ang noo ko at di pinansin ang sinabi nito.
"ya,? " naninigurong tanong ko, saka ako nagmamadaling tumakbo sa cr.
Dinig ko pa ang tawa ni yaya celia kaya nagmadali akong magsuot ng bathrobe dahil baka magising si lucy.
Pagsuot ko ay agad akong lumabas at nakita ko si yaya na nakatayo na sa labas ng balkonahe ko.
Nilapitan ko sya saka sya tinanong.
"what are you doing here ya,? " takang tanong ko.
"nak grabe ka mag araro huh, walang pahinga ahh, " natatawang turan lang nito sakin.
"seryoso na ba yan nak,? " tanong nito na nakatingin sa malawak na Hacienda.
Tumingin din ako doon saka nagpakawala ng buntong hininga.
"ya tingin mo matatanggap nya kaya ako,? " tanong ko narinig ko naman bahagyang tumawa si yaya celia.
"bakit nak natatakot ka ba na kapag nalaman nya ang tunay mong pagkatao eh iwanan ka,? "tanong ni yaya sakin saka bumaling ng tingin paharap sakin.
" I don't know ya, "frustrated na sagot ko.
Natahimik kami ng ilang sandali ng muling magsalita si yaya celia.
" kelangan natin bumalik sa Italy, "seryosong sabi nito.
"why,? "balewalang tanong ko.
"it's about your parents zeus, " sagot naman nito sakin kaya bumaling ako ng tingin sa kanya.
"kelan tayo aalis,? " tanong ko sabay tingin sa malayo.
"ngayon din nakaayos na ang private plane mo ikaw nalang hinihintay kaya sinundo na kita. " sagot naman nito sakin.
Nilingon ko si lucy na mahimbing pa din natutulog.
Bumuntong hininga ako saka ko nilingon si yaya celia.
"ok, "seryosong sagot ko dahil alam ko na mahalaga ito dahil hindi magpapakita sakin ang parents ko kung wala itong halaga.
" magbibihis lang ako ya, "paalam ko dito saka ako tumalikod at pumunta ng banyo.
Habang nasa ilalim ako ng shower ay di ko mapigilan malungkot dahil iiwan ko si lucy pagtapos ng may mangyare samin alam ko na magagalit ito at isusumpa ako. Saka ko na aayusin ang samin kapag naayos ko na ang problema namin sa Italy sana maintindihan nya ko balang araw kung bakit ko sya iniwan.
Pagtapos ko maligo ay pumunta na ko sa closest ko saka nagbihis ng damit.
Paglabas ko wala na si yaya kaya nilapitan ko si lucy habang mahimbing na natutulog.
" sweetie, I'm sorry kung iiwan muna kita huh, wag mo sanang isipin na pinagsamantalahan kita, sana mapatawad mo ko at matanggap mo ang tunay na ako, "kausap ko dito habang nakatitig sa maamo nitong mukha.Hinalikan ko sya sa noo saka ako tumayo at lumabas ng kwarto.
Nakita ko na doon si aston saka ako lumapit sa kanya.
" Lord zeus, "bati nito saka bahagyang yumuko, tinapik ko lang ang balikat nya saka nagbilin sa mga katulong.
" manang kayo na po bahala sa bisita ko huh, pakainin nyo sya bago sya umuwe saka sabihin din ninyo na wag na nya akong hanapin, "bilin ko dito na walang emosyon makikita sa mukha ko.
" yes sir, "sagot nito saka yumuko sakin.
Muli kong inabot ng tingin ang kwarto ko kung saan nakahiga si lucy.
" Lord let's go, "untag sakin ni aston kaya tumango ako saka kami lumabas ng mansyon.
Habang lulan ng kotse ay ang daming pumapasok sa isipan ko.
"tama lang Lord na layuan mo sya, dahil baka idamay sya ng mga kaaway natin lalong lalo na kapag nalaman nila na mahalaga sya sayo, " seryosong sabi ni aston sakin.
Di ko sya nilingon at nasa labas lang ang ako nakatingin.
"alam ko naman yun saka di ako karapat dapat sa kanya dahil masama akong tao, " sagot ko kay aston na di sya nililingon.
"Lord hindi porket mafia kayo eh masamang tao na kayo, saka may dahilan ang lahat kung talagang mahal ka nya tatanggapin ka nya ano ka pa man, " mahabang lintaya nito sakin na ikinangiti ko.
"nako ang aking consiglier naging makata na naman, " natatawa kong sabi, tinignan lang ako nito ng seryoso kaya di na ko umimik.
"seryoso nga sya, " bulong ko saka ako tumingin sa labas ng kotse.
.
.
.
Lucy's pov:
Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko.
Nagmulat ako ng mata saka akmang babangon ng muli akong mapapikit at mahilo kaya humiga ulit ako.
"sh*t nasan ba ko,? "takang tanong ko habang sapo sapo ang noo dahil nahihilo talaga ako.
Maya maya sinubukan ko dumilat at lininga linga ang mata ko sa paligid.
Salubong ang kilay ko ng di ko makilala ang kwartong kinalalagyan ko.
" what the f*ck,! "bulalas ko ng mapagtanto ko na wala ako sa sarili kong kwarto at nasa ibang kwarto ako.
Dali dali akong tumayo na maling pagkakamali ko dahil agad din akong natumba ng maramdaman kong mahapdi ang pagkababa* ko.
" ohh sh*t.! "bulaslas ko saka muli akong nahiga.
Ipinikit ko ang mga mata ko sa inalala ang nangyare.
" mahal kita alam mo ba yun!. "sigaw ko.
"lasing ka na iuuwi na kita, " kalmadong sagot ni Zeus sakin.
"sh*t na alak toh ohh pahamak!. " naiiritang sabi ko sa sarili ko sabay sabunot ng biglang may pumasok sa alaala ko ulit.
"are you sure about this?, " nag aalinlangan tanong ni Zeus.
"yes, di ba sabi ko sayo ayoko mamatay ng virgin, " natatawang sagot ko naman sa kanya, saka ko sinunggaban ang mga labi nya.
"what the hell lucy!!!! " tili ko saka ko napatilakbong ng kumot at nagpapadyak .
Nahinto lang ako dahil biglang bumukas ang pinto ng kwartong tinutuluyan ko.
"ahh ma'am bakit po anong nangyari?. " nag aalalang tanong ng pumasok sa pinto.
Napakagat labi naman si lucy dahil sa hiya saka unti unting ibinaba ang kumot at sinilip ang nagsalita.
Isang may edad na babae ang nakita nya at may pawis sa noo na makikita sa mga mata ang pag aalala.
Nakaramdam ng guilty si lucy kaya dahan dahan syang bumangon at di pinahalata na masakit ang gitna nya.
Umayos sya ng ulo saka nakayuko habang nasa hita nya ang dalawa nyang kamay na nakapatong.
"sorry po sa pagsigaw, " hinging paumanhin nya.
"nako hija akala ko kung napano ka na kaya ka sumisigaw, "sagot nito saka bumuga ng hangin.
Napataas naman ito ng tingin at nakita nya na nakangiti ito sa kanya, kaya kahit nahihiya sya ay bahagya syang ngumiti.
" halika na at nakahanda na ang almusal mo, "yaya nito sakin pero di ko magawang tumayo dahil mahapdi ang p********e ko.
"manang kasi..... " nag aalinlangan sabi ko saka muli akong yumuko.
"ayos lang hija maligo ka na para gumaan ang pakiramdam mo, nakahanda na ang liliguan mo at nakakaginhawa yun, "sagot nito sakin kaya napataas ako ng tingin sa kanya saka sya ngumiti sakin.
Tumango naman ako saka sya nginitian din.
" sige dadalhan nalang kita ng makakain dito, may damit ka na din sa banyo mapalit, "nakangiti pa din turan nito.
" salamat po manang-"naputol ang sasabihin ko ng sumagot sya.
"manang Tess, " agap nito sakin kaya napakamot ako sa ulo ko.
"salamat po manang Tess at pasensya na din po sa istorbo, " nahihiyang sabi ko dito.
"ayos lang hija ibinilin ka sakin kaya ayos lang, " nakangiting sagot nito sakin.
Di na ko sumagot saka ito lumabas ng kwarto.
Tumayo ako at dahan dahan naglakad pa banyo kahit nahihirapan ako pagpasok ko may naamoy agad ako, pagtingin ko naglakihan ang dalawang mata ko ng tumambad sakin ang malaking bathtub na may bulaklak sa tubig at amoy lavender.
Hinawakan ko ang tubig at maligamgam iyon kaya nagmadali akong hubarin ang mga damit ko saka ako lumublob sa bathtub.
"ahhh sarap. " sabi ko sako ko tumingala habang nakalublob ang katawan ko.
"nasan kaya si zeus,? " mahinang tanong ko sa sarili ko.
"nakakahiya... talagang ako pa ang unang humalik sa kanya. " sabi ko saka ko pinagpapalo ang tubig.
Bumuga ako ng hininga saka ipinikit ang mga mata.
"Totoo nga na gagaan ang pakiramdam ko, ano kaya nilagay nila dito, ang sarap sa pakiramdam at ang bango pa, " nakangiting sabi ko.
Nang ok na ang pakiramdam ko ay naligo na ko saka nagbihis.
Dahan dahan pa din ang lakad ko ng lumabas ako ng banyo at nakita ko na may pagkain na doon.
Nakaramdam ako ng gutom kaya agad akong naupo sa lamesa saka nilantakan ang pagkain na nakahain sakin.
Sarap na sarap ako hanggang sa naubos ko ito.
Nagpahinga lang ako ng konti saka ako lumabas ng kwarto at bumaba ng hagdan.
Namukaan ko ang paligid pagbaba ko dahil nagpupunta kami dito ni jieun minsan. Bago lang siguro si manang Tess dahil ngayon ko lang sya nakita dito sa mansion ni Zeus.
"ohh hija kamusta ang pakiramdam mo, ? " bungad nito sakin .
"ayos na po ako manang maraming salamat po sa pag aasikaso sakin, " nakangiting sabi ko.
"mabuti naman kung ganon, " sagot nito sakin, akmang tatalikuran na ko ng tumikhim ako.
"ahmm.. manang nasan po si Zeus? "alanganing tanong ko.
"umalis sya kaninang madaling araw, nagmamadali sya umalis at parang emergency atah kaya ibinilin ka sakin, " mahabang pahayag nito.
"at saka wag mo na daw sya hintayin dahil matatagalan sya bumalik, " pabahol na sabi pa nito sakin bago tumungo sa kusina.
Tumango na ko saka nagpasalamat, nakaramdam ako ng lungkot ng di ko sya nakita at sa nalaman ko pagtapos ng nangyare samin.
Umalis na ko sa mansion at saka bumalik sa tinutuluyan namin bahay ni jieun dito sa bicol.
Di ako nagpahalata na matamlay ako.
"best saan ka natulog,? " bungad ni jieun sakin pagpasok ko sa loob ng bahay.
"kela topher dahil iniwan nyo ko, " kunwaring tampo ko para di nya mahalata na matamlay ako.
Agad akong niyakap ni jieun kaya inirapan ko sya.
"sorry na best, naghihintay kasi yung kambal eh, " hinging paumanhin nito kaya ngumiti na ko saka pinasigla ang boses.
"apology accepted, " nakangiting sabi ko saka na ko nagpaalam sa kanya.
"best kwarto muna ako huh, medyo nahihilo pa kasi ako, " sabi ko sa kanya, bahagya pa nya ko tinitigan bago marahang tumango.
Saka ako pumasok sa kwarto ko, pagpasok ko ay ibinagsak ko kaagad ang katawan ko saka ako tumitig sa kisame.
"ganon ganon lang yun pagtapos ng may mangyare samin, bigla nalang sya aalis. " naiinis na sabi ko sa sarili ko.
"bakit may pananagutan ba sya sayo eh ikaw naman ang may gusto na may mangyare sa inyo. " sigaw ng kabila kong isipan.
"makati ka kasi. "pahabol pa na sabi nito, kaya tumayo ako saka naupo sa ibabaw ng kama.
" oo na makati na kung makati, sa gustong gusto ko sya eh, di ako nagsisisi na ibinigay ko sa kanya ang virginity ko. "madiin sagot ko naman sa kabilang utak ko.
" pwes wag kang maghangad ng kapalit dahil alam mo ng may mahal na syang iba. "sagot naman nito sakin.
" oo na kelangan ipaalala pa. "naiiritang sabi ko saka ko pinukpok ang kabila kong ulo.
Napasubsub ako sa unan saka di ko napigilan umiyak.
" nababaliw ka na lucy, hindi lahat ng napapanood mo sa kdrama ay totoo kaya wag kang umasa."mahinang sabi ko sa sarili ko kasabay ng pag iyak ko.
"hindi ko na sya mamahalin tapos na ang pagiging tanga ko ngayon." mahinang usal ko pag angat ko ng ulo saka sumubsub ulit sa una.
"sh*t ang sakit pala na di ka magawang mahalin ng taong mahal na mahal mo, " sabi ko sa isipan ko.
Umiiyak lang ako ng umiyak hahayaan ko muna ubusin ang luha ko para sa kanya dahil hindi na ito mauulit.
Hanggang sa kainin na ko ng kadiliman at nananakit na din ang mga mata at ulo sa kakaiyak kaya nakatulugan ko na.