Nag-papahinga na 'ko ngayon. Nakahiga ako sa kama habang nakatingin sa kisame. Bukas na. Oo tama, bukas na ang kasal namin. I should be excited, pero what the heck?! What I feel is insane. Paulit-ulit din na bumabalik sa utak ko 'yung mga sinabi ni Alexa. Eto 'yung pinakamalaking desisyong gagawin ko at hindi dapat ako magkamali. Huminga ako nang malalim at niyakap 'yung teddy bear na bigay sa'kin ni Austin. Ikukulong ko na 'yung sarili ko sa isang relasyon. Relasyon na parang ako lang ang nakikinabang. Ngayon napagtanto ko, ang selfish ko rin pala. Biglang nag-ring 'yung phone ko. Napatingin ako doon. It's Austin. I answered the call. [Hello.] [Hello, bakit Austin?] [Lumabas ka diyan. Nandito ako sa labas. Hintayin kita dito sa baba.] My brows arched. Gabing-gabi na

