I ended up my vow with teary eyes. I'm still trying to smile as much as I can. I'm just a bit curious kung bakit parang kakaiba 'yung mga mata ni Austin. Para bang namamaga ito na kagagaling lang sa iyak, and his eyes looks unhappy. Hindi ba siya masaya? I'm waiting for him to give his vow, but he didn't. Sa halip ay tumingin siya sa pari at tumango. "Okay na po father." "Ha?" My brows crossed. Anong okay na? Tumingin siya sa'kin and gave me a fake smile. "Okay na. Puntahan mo na si Wayne." Lalo akong naguluhan sa sinabi niya. Bakit pupuntahan si Wayne? Hindi ko siya maintindihan. "Ha? Ano bang sinasabi mo? Ano bang nangyayari." Hinawakan niya ang magkabilang kamay ko at tinitigan ako ng diretso sa mga mata. Nakikita ko na ang pangingilid ng mga luha niya, kahit na naka belo

