"Class dismissed." Agad kong inayos ang mga gamit ko, at tumayo. "Stacy!" Napalingon ako ng tawagin ako ni Wayne. "'Yung phone mo! Alisin mo na sa pagka-silent." Utos nito. Tss! Ikaw na talaga Wayne, the best ka. "Opo." Tipid na sambit ko. Lumapit na siya sa'kin. "Uuwi ka na ba?" "Malamang." Tipid pa rin na sagot ko, habang sinusuot bag ko. "Hatid na kita." Napatingin ako sa kanya. "Si Juliet hindi mo ihahatid?" Tanong ko. Syempre para sigurado. Ayoko namang mag mukhang chaperone nila kapag sumama ako sa kanila. "Ay oo nga pala. Sabay ka na sa'min." Binatukan ko siya. "Yan muntik mo pa siyang makalimutan, 'wag na. Dala ko naman kotse ko." Tumawa naman siya. "Sinakop kasi ng math utak ko." Sambit niya sabay tawa. I laugh sarcastically. "Oo n

