Nagsimula na 'kong kumanta.
Ferris Wheel by Yeng Constantino.
Meron siyang di nalalaman sa'kin.
Takot man ako sa heights walang magagawa dahil nandito na. Magkahalong kaba at pananabik.
Ang tungtungang bumuhat sa'min.
Kailan ma'y 'di niya alam.
Di pa umaangat loob ko'y nahulog na.
Nakatingin lang ako sa kanya. Hoping na ma gets niya 'yung kinakanta ko. Pero pa'no niya ma ge-gets kung pati ako hindi ko alam ang pinupunto ko sa kantang 'to.
Sa piling mo ay naluluha.
Unti unti ring nasasanay.
Sa piling mo ay naluluha.
Ngunit parang ayoko na yatang bumaba
Bumaba, bumaba, bumaba.
Nakatitig lang siya sa'kin. Hindi ko mabasa ang iniisip niya, pero sana naiintindihan niya 'yung kantang pinararating ko.
Nang matapos ko ang kanta ay ngumiti siya.
"Ang galing talagang kumanta ng tomboy kong kaibigan." Puri niya na para bang wala siyang naisip sa mensahe ng kanta. Hindi niya ba nakuha? Hindi niya ba na gets?
Ngumiti nalang ako. "Magandang tomboy. Mag gagabi na. Uwi na tayo."
Aya ko sa kanya.
"Gusto mo na bang umuwi?" Tanong niya. Sa totoo lang ayoko pa, gusto ko pang mas marami kaming magawa dito. Gusto ko pang makapag bonding kami. Kaso 'wag na. 'Wag nalang.
"Yep. Gusto ko ng mag-pahinga. Let's go." Aya ko at binitbit ko na 'yung paper bag ng damit na pinamili ko.
Nahatid na 'ko ni Wayne. Nandito na ako ngayon sa kwarto ko. Nakahiga lang ako habang nakatitig sa kisame.
Inaalala 'yung mga nangyari kanina.
Ba't ba kasi ganyan ka? Ba't parang lahat ng kinikilos nalalagyan ko ng malisya kahit hindi dapat?
Napatigil ako sa pag se-senti ng mag ring 'yung phone.
Bigla nalang akong napangiti when I saw Wayne is calling.
"Oh?" Walang gana 'kong tanong. Hindi pinapahalata na masaya ako.
"Takot ka pala sa heights?" Napapalo ako sa noo ko. Seriously? Ang tanga!
"Ewan 'ko sa'yo."
Tumawa siya. "Sabi mo kanina sa kanta diba."
Matalino, pero may pagka tanga rin.
"Hindi ba pwedeng gusto ko lang 'yong kantahin? Bakit porque ba kinanta ni KZ Tandingan 'yung mahal ko o mahal ako, ibigsabihin dalawa talaga 'yung mahal niya? Naguguluhan talaga siya sa pipiliin niya? Duh ang gwapo mong tanga."
May pagka inis sa boses ko.
Tumawa naman siya. "Sorry na. Malay ko ba. Sabi ko kasi dedicate mo sa'kin eh. Dedicated ba sa'kin 'yon?"
Jusko naman. Kakalbohin ko na 'tong lalakeng 'to eh.
"Tanga!" Tanging sambit ko.
"Grabe ka naman. Ano nga?" Puta! Nanggigigil ako sa lalakeng 'to ah.
"Ewan. Hindi!" Sagot ko. Nakakainis!
"Ah..."
"Eh ih oh uh. Matulog ka na gabi na."
Sambit ko.
"'Di ako makatulog eh."
"Edi 'wag ako 'yung bulabugin mo. Bulabugin mo 'yung Juliet mo."
Sambit ko. Nakakainis! Paanong hindi ako mapapa-isip kung ganyan siya lagi.
"Eh inaantok na daw siya eh."
Parang ugh! So option ako.
"Ah gano'n. Option ako. Okay."
Sarcastic na sabi ko.
"Uy hindi naman. Gusto naman talaga kitang kausap eh." Bwiset!
"Pero kung hindi pa inaantok si Juliet tatawagan mo pa rin ba 'ko? Hindi naman na diba, kase siya 'yung tatawagan mo."
"Oh ba't ka galit?" Sarcastic na tanong niya. Bwiset talaga 'tong lalakeng 'to. Ang galing mang-inis.
"'Yan ganyan. Ganyan ka eh. Bahala ka nga diyan." Inis na sabi ko at pinatay 'yung call. Nakakainis! Option nalang pala ako ngayon.
Wala pang isang minuto tumatawag nanaman siya.
Napa irap ako. Ayoko mang sagutin, pero bakit hindi ko matiis. Ayoko sanang sagutin, pero hindi ko siya matiis, so I ended up answering his call.
"Oh?!" Walang gana 'kong sagot.
"Sorna." Natatawang sambit niya.
"Sorna sorna sorna. Panget mo." Inis na sambit ko.
"Ganda mo ha." Saskasrtikong sambit niya.
"Maliit na bagay." Ganti ko.
"Kamusta naman si Pipsy?"
Ugh! Sinama niya nanaman 'yung lintek na tigyawat na 'yan.
"Si Pipsy? Pumutok na. Pinutok ko na. Gusto mo putukin rin kita?"
Bigla siyang tumawa. May sayad ba 'to? "Huwag po bata pa po 'ko." Parang kawawang sabi niya.
Puta! Ang galing niya talagang mang asar. "Weh? Talaga buti nalang in-inform mo 'ko. Wala kasi sa mukha na bata ka pa. Mukha kang gungung." Pwe!
"Tss! Feeling ko Stacy kailangan mo nang magpa-eye check up. Samahan kita bukas, you want?" Sarcastic nanaman siya. Puta napapamura ako sa lalakeng to eh.
"'Wag na. Nakakahiya naman, baka masira ko pa lakad niyo ng ka-forever mo."
Tumawa naman siya. "Forever talaga? Loko ka. Sige na nga. Ba-bye na. Goodnight po."
Yan ganyan. Mag-lambing ka pa. Hindi naman siguro ako aasa kahit maglambing ka ng maglambing wala manhid ako eh. Note to sarcasm.
"Anong good sa night?"
Walang ganang tanong ko.
"Edi bad night." Sambit niya. Galing talaga eh!
Tumawa nalang ako. "Joke lang. Sige na good night na."
Sambit ko. Tumawa rin siya.
"Sige. Tulog na ha."
Umirap ako. "Opo."
"Sleep well." Sambit nanaman niya.
"Ge."
"Bad dreams." Sabay banat niya.
"Ang sama mo. Kung ikaw mapanaginipan ko bangungot talaga 'yon." May inis na sabi ko. Tumawa nanaman siya. Hindi naman siya happy niyan?
"Ito naman joke lang. Sweet dreams."
Sambit niya habang tumatawa.
"Oo na ba-bye na."
"Sige bye." Sambit niyang muli. Ulit-ulit?
"Oh ba't di mo pa pinapatay?" Tanong ko aba't nag-paalam na siya't lahat ay.
Tumawa nanaman siya. "Eto na nga po. Papatayin ko na. Babye." Sambit niya sabay tawa ulit at pinatay na.
Napangiti nalang ako at napa iling iling. Kung wala si Juliet aasa ako, kaso may Juliet eh.
~
Simpleng umaga ang bumungad sa'kin ngayon nakapag-hilamos at almusal na rin ako.
"Ma'am Stacy, may nag-hahanap po sa inyo. Juliet daw po pangalan niya. Papasukin ko po ba?"
Juliet? She mean... Juliet na nililigawan ni Wayne? What the? Why? Anong ginagawa niya dito? What does she need?