Chapter 33

1087 Words

Since Sunday ngayon. We decided na mag-simba ni Wayne. We're trying na ibalik 'yung dati naming closeness. Katatapos lang naming mag-simba. "So sa'n na tayo ngayon?" Tanong niya pagkalabas naming ng simbahan. Sa'n nga ba? Bigla akong nakakita ng batang nag titinda ng bulaklak. Dinadaan daanan lang siya. Bigla kong naalala si Austin. Kung nandito kaya siya at nakita niya 'yung bata, ano kayang gagawin niya? "Stacy. Okay ka lang?" "Ay oo. Ano-- ano nga ulit 'yon?" Napakamot siya sa ulo. "Sigurado ka bang okay ka lang?" Tumango-tango ako. "Please Stacy. Pinipilit kong ibalik 'yung dati. Don't act awkward around. Ako pa rin 'to. Ako pa rin si Wayne na nakilala mo noon. I miss our closeness." Napayuko ako. Medyo lutang lang talaga 'yung isip ko ngayon. "Sorry." Tipid na sambit ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD