Alam kong katangahan na naman ’tong ginagawa ko. Pero anong magagawa ko? Hindi ko mapigilan ang sarili ko. Hinayaan ko siyang hawakan ang pisngi ko habang lumalalim ang halik niya sa mga labi ko. Alam kong pagsisisihan ko na naman ’to. Pero alam kong ginusto ko ito, at wala na akong magagawa pa. Dahan-dahan niyang pinababa ang upuan ko hanggang sa magmistulang maliit na kama na ito. Ginawa niya iyon habang hindi pa rin bumibitaw sa paghalik sa akin. Pinasadahan ko ang mga daliri ko sa medyo basa pa niyang buhok pababa sa leeg nito at pababa sa likuran niya. He positioned himself on top of me. Binaba ko nang dahan-dahan ang kamay ko hanggang sa maramdaman ko na ang matigas nitong dibdib. Dahan-dahan kong tinanggap ang coat niya hanggang sa puting long sleeve na lang ang bumungad sa akin

