Ang bilis ng araw,parang kailan lang ng dalhin ako dito ni Amiel ng labag sa aking kalooban.
Ilang araw na lang mag-iisang buwan na pala kami dito. At sa loob ng mga araw na yun hindi ko maitatanggi sa sarili ko na naging napakasaya ko.
Kung saan saan ako ipinasyal ni Amiel. Dinala niya rin ako sa Capalonga kung saan nagsimba kami kung saan nakalagak ang Black Nazarene. ,sabi nila milagroso ito,humiling ka at ito sa iyo'y ibibigay. Taimtim akong humiling doon gayundin si Amiel,sana lang mapagbigyan ng Mahal na Poong Nazareno ang aming kahilingan. Sinubukan din namin ang zipline nila hindi ko na matandaan kung gaano yun kahaba pero kitang kita ang kagandahan ng dagat doon.
Ilang araw din kaming nag-stay sa isang hotel sa Daet kasi pinuntahan din namin ang mga magagandang lugar doon,kabilang na ang Bagasbas beach,Pineapple Island Resort at marami pang iba.
Kung ako lang ang masusunod ayaw ko ng umalis pa dito.
But sad to say hindi maaari ang gusto ko. Pareho kaming may trabaho at mga responsibilidad na kailangang gampanan.
Mahirap man pero matatapos na nga ang aming mga masasayang araw. At nakakalungkot yun.
"Oy! Ate tulala ka na diyan?. ,untag sa akin ni Marianne. Narito kasi ako sa bahay nila,wala kasi akong kasama sa resthouse may inaasikaso kasi si Amiel tungkol sa business nila ni Jaypee. Isinasama niya sana ako kaya lang tinatamad ako maglayas kaya nagpaiwan na lang ako dito kina Marianne. Sabi ko nga kay Amiel magpapaalam na rin ako kina Marianne.
Ngumiti ako sa kanya.
"Ate,talaga bang aalis na kayo?. ,malungkot niyang tanong sa akin.
"Oo nga,yang reaksiyon mo naman para kang tunay!. ,natatawa kong sabi,ginulo ko pa ang kanyang buhok.
Napanguso naman siya.
"Ate naman,tunay to no?. ,humarap siya sa akin at nakita ko talaga ang lungkot sa kanyang mga mata. ,"Kasi naman ate! Kung alam ko lang na mabait ka at saka cool kang kasama sana pala noon ka pa namin nilapitan. ,nanghihinayang niyang saad.
Pinitik ko ang kanyang noo.
"Judgemental ka kasi!. ,hindi kaya ako mukhang masungit. ,sabi ko sa kanya. Tumawa naman ang mga magulang niya na nakikinig sa amin habang gumagawa ng basahan.
Muli siyang napanguso.
"Ganun naman minsan ang mga mayayaman,akala mo mukhang mabait pero pag nilapitan mo saka mo malalamang mapanglait pala. ,nakanguso pa rin niyang saad. Kumapit siya sa aking braso at humilig sa akin.
Muli ko siyang pinitik sa noo.
"Judgemental ka talaga! Hindi lahat ganun. ,
"Aray naman,ate! Aalis ka na lang sasaktan mo pa ako. ,lalo niyang hinigpitan ang kapit sa aking braso. ,tumingin siya sa akin. ,"Babalik ka pa naman dito di ba,ate?. ,
Ngumiti lang ako sa kanya. Hindi ko kasi alam kung anong isasagot ko. Sabi ko nga di ba kung ako lang ang masusunod ayaw ko ng umalis dito kaya lang hindi nga pwede. ,
"Di ba sabi mo nagbabakasyon ka minsan sa Manila?. ,tanong ko sa kanya. Tumango tango siya habang nakangiti sa akin. ,"Oh,eh di kapag nagbakasyon ka doon,tawagan mo ako at magba-bonding tayong dalawa doon,you want that?. ,muli kong tanong sa kanya.
Lumiwanag ang kanyang mukha. ,"Talaga po,ate? Gusto ko po iyon!. ,masaya niyang sinabi. ,
Napangiti naman ako. Sa sandaling panahon na nakilala ko si Marianne napalapit na ang loob ko sa kanya. Para sa akin para akong bigla ay nagkaroon ng bunsong kapatid. Kahit ang mga kaibigan niya ay nakasundo ko na rin. Maging sa mga magulang niya ay napalapit na rin ako,maalalahanin kasi sila. Hindi na ako nagtataka na napamahal na kay Amiel ang lugar na ito. Sana nga ay makabalik pa ako dito.
"Ate!. ,napalingon ako sa tawag na iyon sa akin.
Kumunot ang aking noo ng makita ko si Arianne,isa sa mga kaibigan ni Marianne na tumatakbo papunta sa akin.
"Ate!. ,hinihingal niyang tawag sa akin.
"Arianne,bakit ka ba tumatakbo?. ,pinunasan ko ang kanyang pawisang noo ng dala kong towel.
"Ate,sabi kasi ni kuya Amiel hindi ka daw po niya masusundo kasi sumakit daw po ang ulo niya. ,
"Ganun ba?. ,tiningnan ko ang oras sa aking relo. ,magsi-seven na pala. ,"Bilin din ba niyang tumakbo ka para sabihin sa akin yan?. ,Biro ko sa kanya. ,
Napakamot siya sa kanyang pisngi. ,"Opo,ate!. ,sabi niya po kasi kanina pa daw po kayo naghihintay baka daw po galit na kayo. ,
"Baliw talaga yun! Pwede naman niya akong tawagan o kaya itxt. ,pinatakbo ka pa!. ,uuwi ka na rin ba?sabay na tayo. ,aya ko sa kanya. Bahay kasi nina Arianne yung kasunod ng bahay ni Amiel.
"Sige po!. ,isinara ko ang kawayan na gate nina Marianne. Hindi na ako mag-aabalang magpaalam kasi umalis naman silang lahat kanina kasi may pupuntahan daw sila. Gusto pa nga sana akong ihatid ng tatay ni Marianne kaya lang tumanggi na ako kasi akala ko nga masusundo ako ni Amiel.
Kumunot ang aking noo ng makita kong madilim sa rest house. Hindi naman brownout kasi may ilaw pa nga yung poste sa kalsada.
"Sure ka ba na andiyan na si Amiel,Arianne?. ,napalingon ako ng hindi ako sinagot ng kasama ko. Nanlaki ang mata ko ng makita kong wala na pala akong kasama.
"Arianne,nasaan ka?. ,hindi ko maitago ang kaba at takot sa aking tinig. Nasaan ba kasi yung babaing yun? Bakit hindi ko man lang naramdaman na wala na pala akong kasama. May kumuha kaya sa kanya? Napahaplos ako sa aking mga braso. Ano ba yan? Binilisan ko ang lakad papasok ng bahay baka nga nasa loob na si Amiel magpapatulong ako sa kanya para mahanap si Arianne.
Saan ba kasi sumuot ang batang yun? Dahil madilim hirap akong kapain ang lock ng gate. Napangiti ako ng ganap kong mabuksan ang gate.
Pilit kong inaaninag ang daan papasok ng bahay. Nakakaramdam na ako ng inis. Medyo may kalayuan kasi ang gate sa bahay. May makipot na pathway kang dadaanan.
"Kasi naman,Amiel bakit ang dilim? Kapag ako nadapa babatukan ko talaga yung gagong yun,gabi na hindi man lang magbukas ng ilaw. ,hindi ko mapigilang reklamo.
SURPRISE!!!!!
Literal akong napatalon habang nakahawak sa aking dibdib.
Patalon talon pa sa harap ko si Marianne kasama ang mga kaibigan niya pati na si Arianne na naka-peace sign sa akin. Andito rin ang mga magulang ni Marianne.
At siyempre si Amiel na ngiting ngiti habang may hawak na bulaklak.
Ang gwapo gwapo niya talaga.
Kahit na wala akong maintindihan kung para saan ito napangiti ako. Lumapit sa akin si Amiel.
"Hi! I missed you,sweetheart!. ,hinalikan niya ako matapos ibigay sa akin ang bulaklak. ,narinig ko ang tilian ng ibang kasama namin pero hindi ko muna sila inintindi. Busy kasi ako,bakit ba?