"Sweetie, I'm sorry naipit ako sa traffic. ,nasa resto ka na ba?. ,tanong sa akin ni Amiel. Magkikita kasi kami ngayon sa paborito naming kainan.
"Wala pa,papunta pa lang. ,na-traffic din ako. ,marahan kong sagot sa kanya kahit na naiinis na ako. Kailan kaya mareresolba ang traffic sa Pilipinas? Nakakaurat! Ngayon na lang kami nagkapanahon na lumabas ni Amiel,may hadlang pa. Pareho kasi kaming abala sa aming mga trabaho. Ako bilang senior designer sa isang boutique at siya naman nagti-train para mamahala sa kanilang kumpanya.
"See you sa resto,sweetie! I miss you. . ,I love you. ,malambing niyang utas.
Napangiti naman ako. Hay! May pambawi sa traffic. ,"okay,sweetie. . ,miss you too. ,love you too. . !. ,malambing ko ding sabi sa kanya.
Hay! Okay na ako kahit na mainit at nakakainip ang traffic.
Hindi ko akalaing matatagpuan ko ang isang tulad ni Amiel. Don't get me wrong, hindi ako pangit ah! Ang ganda ko kaya! Kaya lang kahit minsan talaga hindi pa ako nagkaroon ng interes sa boys pero si Amiel, the moment our eyes met,naramdaman ko agad na may something. At first I ignored it,I try to suppress it kasi hindi ko alam kung anong meron sa kanila ni Ate Suzanne. ,ayaw ko ng madagdagan pa ang aloofness ni Ate sa akin. Isa pa hindi siya dadalhin ni Ate sa bahay kung walang namamagitan sa kanila di ba?
Pero aaminin ko,inisip ko noon sana talaga kabigan lang siya ni Ate. Ang gwapo niya kasi talaga,pakiramdam ko nga pamilyar ang mukha niya sa akin. Hindi kasi talaga ako matandain sa mga mukha ng mga nakakasalamuha ko.
Hanggang sa naalala ko kung bakit pamilyar ang mukha niya sa akin. Isa pala siya sa mga kaibigan ni Tyler Arevalo,ang greatest love ng kaibigan kong si Iana. Si Amiel pa talaga ang nagpaalala sa akin na una kaming nagkakilala sa birthday ng kapatid niyang si Amber na ginanap sa isang bar. Doon kasi nagkalakas loob si Tyler na makipagkilala kay Iana. Panay ang tawa ko noon kasi hindi ko talaga yun naalala.
"Quit staring!. ,kunwari masungit kong sinabi sa kanya. Simula pa kanina pagdating namin dito panay panay na ang titig niya sa akin. Tapos na kaming kumain,ganun pa rin gawa niya.
Humalakhak siya.
"Na-miss kita ng sobra,sweetie. ,sabay halik niya sa aking labi. Agad naman akong napatingin sa paligid. Hinampas ko siya ng mahina sa braso.
"Ikaw talaga,ang daming tao. ,nahihiya kong sabi.
Agad naman niya akong ikinulong sa kanyang mga bisig." Don't mind them. ,hay! Napakamahiyain talaga ng Mahal ko. ,
Nag-init naman ang mukha ko sa sinabi niya pero hindi napigilang kiligin. Ganyan naman kasi siya pabigla bigla kung magpakilig.
"Nga pala,sweetie. ,nasaan ka ba kagabi kasi tawag ako ng tawag sa phone mo hindi mo naman sinasagot?. ,natigilan siya sa tanong ko.
"A-ahm. ,m-maaga kasi akong nakatulog kagabi. ,hindi ko na siguro namalayan ang pagtawag mo. ,sabi niya.
Hindi ko mapigilang mag-isip ng kung ano sa sagot niya. Bakit pakiramdam ko nagsisinungaling siya? Sa huli ipinagwalang bahala ko na lang ang naisip ko. May tiwala ako sa kanya at yun lang ang dapat kong isipin. Hindi niya ako lolokohin.
"Mam,Ms. Iana wants to talk to you. . ,she's on line 2. ,sabi ng sekretarya ko. Tumango ako sa kanya. Tumikhim muna ako bago ko inangat ang telepono.
"Iana. ,bati ko sa kanya.
"Tita Stephie. ,si Tyrone po ito..!!!! ,malakas na sigaw niya sa telepono. Bahagya ko namang inilayo ito sa aking tenga.
"Hey,young man. ,what can I do for you?. ,masaya kong tanong sa kanya. Sa totoo lang namimiss ko na sila ni Iana.
"Tita, busy ka pa po ba?. ,tanong niya sa akin. Kinagat ko ang aking labi. Ano bang sasabihin ko? Hindi ko kayang magsinungaling sa bata,kung sa nanay niya pwede pa.
"Bakit mo naman naitanong?. ,
"Kasi po sabi ni Mommy busy po kayo kaya hindi kayo nakarating nung birthday ko. ,nahihimigan ko ang tampo sa kanyang tinig.
Napapikit na lang ako." Pasensiya ka na ha?natambakan kasi ng work si Tita. ,natanggap mo ba yung gift ko?. ,pag-iiba ko ng usapan.
"Opo,ang astig astig po nung relo. ,alam na alam niyo po talaga ang hilig ko,Tita. ,masaya na niyang sabi.
Napangiti naman ako. Tyrone is very easy to please. Proud ako sa sarili ko na naging katuwang ako ni Iana sa pagpapalaki sa kanya.
Minasahe ko ang aking batok. Bahagya kasi itong nananakit. Napatingin ako sa bintana,madilim na pala. Hindi na ako nag-abalang tingnan pa ang oras. Hindi ko na kasi namalayan ang oras simula ng matapos ang pag-uusap namin ni Tyrone. Nangako ako sa kanya na isa sa mga araw na ito,lalabas kaming dalawa. ,pakiramdam ko kasi ang laki na ng tampo niya sa akin. Natuwa naman siya,tawagan ko na lang daw siya kapag hindi na ako busy.
"Mam,magandang gabi po!. ,bati sa akin ng guard. Tinanguan at nginitian ko siya. Abala ako sa paghahanap ng susi ng aking sasakyan ng bigla na lang may kumaladkad sa akin. ,talagang kinaladkad ako. ,mabuti na lang naka flats lang ako ngayon.
"Ano ba? Stop dragging me!!!. ,pilit kong binabawi ang kamay ko kahit na alam kong imposible masyado kasing mahigpit ang hawak niya sa kamay ko.
Why is he here anyway? Ano ba talagang kailangan niya sa akin?
"Akala ko wala ka ng balak lumabas ng opisina mo. ,sabi niya. Wala siyang pakialam sa pagpalag ko. Agad niyang binuksan ang pinto ng kanyang sasakyan,hindi na ako nakahuma ng mabilis niya akong napapasok sa loob,agad niyang ikinabit ang aking seatbelt at mabilis din niyang isinara ang pinto.
"Saan mo ba ako dadalhin?. ,kanina pa kami bumibyahe,hindi ko pa naman maaninag ang daan kasi nga madilim."And why the hell are you doing this?. ,dugtong ko pa.
As expected hindi na naman siya umimik. Kita ko ang paghigpit ng kapit niya sa manibela,halos mamuti na ang kanyang kamao.
Ipinadyak ko ang aking mga paa. Nakita ko ang bahagyang pag-angat ng gilid ng kanyang labi.
Kung ayaw niyang magsalita eh di huwag bahala siya sa buhay niya. Inihilig ko ang aking ulo sa sandalan ng upuan,mabuti pang matulog na nga lang ako. Makarating lang talaga kami sa kung saan man niya ako dadalhin,humanda talaga itong lalaking ito sa akin. Pasalamat talaga siya nagmamaneho siya.