Kagat kagat ko ang aking labi habang nakatingin sa pagkain. Pilit kong pinapakalma ang aking sarili,ang lakas kasi ng kabog ng aking dibdib.
Paano ba naman kasing hindi lalakas ang t***k ng aking puso eh kung makatitig ang lalaking kaharap ko wagas? Ni hindi man lang tigilan ang pagtitig sa akin kahit na alam na niyang huling huli ko na ang pagtitig niya.
I heard him sigh.
"Ayaw mo ba ng pagkain?. ,what do you want to eat then?. ,tanong niya.
Hindi ko siya sinagot pero nagsimula na akong kumain. Kahit naman galit ako sa kanya nakakahiya naman kung hindi ko kakainin ang mga inihanda niya. Pansin ko nga puro paborito ko ito. Hindi pa rin naman pala niya nakakalimutan.
Nagsimula na rin siyang kumain. Tahimik lang kaming dalawa habang kumakain. Naiilang man pero ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain.
Napag-isipan ko na rin kanina na hindi na muna ako magbabanggit ng tungkol sa pag-uwi kasi binantaan niya ako kanina na subukan ko lang daw uli na magpumilit na umuwi hindi lang halik ang gagawin niya sa akin.
Hindi ko alam pero wala naman akong naramdamang takot ng sabihin niya yun but my mind tells me na I should not provoke him kasi in the end baka ako rin lang naman ang mag-sa-suffer ng consequences.
"Pwede ba doon ka na lang sa sala,huwag kang mag-alala wala akong babasagin sa mga plato mo. ,sabi ko sa kanya. Nagprisinta kasi akong maghugas,nakakahiya naman kasi siya na nga ang nagluto siya pa rin ba ang maghuhugas? At saka gusto ko rin na makalayo sa kanya kaya lang hindi rin nangyari yun kasi hindi niya rin ako iniwanan dito. Nakasandal siya sa ref habang nakahalukipkip at titig na titig sa akin.
"Dito lang ako!. ,sagot niya.
Inirapan ko na lang siya. Nginisihan lang niya ako.
"Nasaan ba kasi tayo?. ,tanong ko habang nagsasabon ng plato.
Nagkibit balikat siya.
"Kung hindi mo kasi ako tinulugan sa byahe eh di alam mo sana kung nasaan tayo. ,
"Ewan ko sa iyo. ,bumuntong hininga ako at saka tumingin sa kanya. ,"Seriously, Amiel bakit mo ba ito ginagawa?. ,
"I want us to talk! Simula ng bumalik kayo nina Iana alam ko namang iniiwasan mo ako. ,tumawa siya ng pagak. ,"Ang tindi mo nga,sa loob ng dalawang taon nagawa mo talagang umiwas sa akin. Samantalang ako lahat na yata ginawa ko para magkatagpo tayo pero wala eh matindi ka umiwas. ,halos anim na taon kang nawala tapos pagbalik mo pinagtaguan mo naman ako. ,
Hindi ako nakaimik sa sinabi niya. Totoo naman kasi,lahat ng paraan para makaiwas sa kanya ginawa ko.
"Alam mo naman palang iniiwasan kita,bakit kailangang gumawa ka pa ng paraan para magkatagpo tayo? Isn't it obvious, na ayaw kong makipag-usap sa iyo?. ,this is so not you,Amiel! Hindi mo kailangang maghabol sa akin kasi mas marami ang naghahabol sa iyo!. ,giit ko sa kanya.
"Oo,alam ko. ,hindi ko kailangang maghabol sa babae kasi talagang marami ang naghahabol sa akin. ,seryoso niyang sagot sa akin.
Ewan ko pero pakiramdam ko nasaktan ako sa sinabi niya. Pero totoo naman kasi hindi niya ako kailangang habulin,hindi niya kailangang gumawa ng paraan para magkatagpo ang landas namin kasi sa totoo lang isang pitik lang niya maraming babaeng haharap sa kanya.
"Pero kung yung babaing hinahabol ko ang tanging babaing makakapagpaligaya sa akin,ang babaing tanging rason kung bakit araw araw ay gumigising ako na puno ng pag-asa na magbabalik siyang muli sa buhay ko. ,at ang babaing yun din ang nagsisilbing rason ko para mabuhay. . ,sabihin mo nga hindi ba ako dapat maghabol?. . . ,tatanggapin ko na lang ba na yung buhay ko ay makita kong masaya sa iba? Hihintayin ko pa bang makatagpo siya ng ibang makakapagpasaya sa kanya bago ako maghabol?. ,
Napatungo ako habang kagat kagat ko ang aking labi. Hindi ko alam kung bakit pero nararamdaman ko ang sakit sa kanyang tinig.
"Sabihin mo sa akin,sweetie dapat ko na bang tigilan ang paghahabol at tanggapin na hanggang dito na lang ang buhay ko. . .,garalgal ang tinig na sabi niya.
Itinukod ko ang aking kamay sa counter. Nanatili akong nakayuko. Hindi ko siya kayang tingnan kasi hindi ko gusto ang pakiramdam na bawat salitang sinasambit niya,bawat sakit na kakambal ng mga salitang yun ay ramdam ko. ,tumatagos sa kaibuturan ng aking puso.
"Hindi ko kasi kaya,sweetie. ,hindi ko kayang makita kang masaya sa iba. ,kasi kung ganun ang mangyayari mas gugustuhin ko pa ang mawala na lang. ,naririnig ko ang pagsigok niya. ,"mahal na mahal na mahal kita,Stephanie Vera. ,ikaw lang! Ikaw lang ang babaing nakapagparamdam sa akin ng ganitong klaseng damdamin. . . . . ,kaya maghahabol ako ng maghahabol. . . ,para sa pagkakataong maging akin kang muli. ,
Tuluyan ng pumatak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilang pumatak. Pakiramdam ko unti-unti akong nawawalan ng lakas.
Sa mga narinig ko pakiramdam ko nawalan na ako ng lakas na lumaban sa kanya.
Naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin.
"I'm sorry sa lahat. ,sa lahat lahat ng nagawa ko sa iyo. ,p-lease,Stephie sweetie. ,bigyan mo ako ng isa pang pagkakataon na maipakita sa iyo ang pagmamahal ko. ,hayaan mong magkasama nating harapin ang lahat ng sakit. ,sabay nating hahanapin ang lunas sa sakit na pareho nating hindi maiwanan. ,ramdam ko ang pagkabasa ng damit ko dahil sa mga luha niya. .,"p-please. ,let us both find the way to take away this pain. ,hayaan mong samahan kita. ,nasaktan din ako at hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako. ,
Para akong kandilang unti-unting nauupos. Inalalayan niya ako,hindi ko alam kung saan kami papunta sabi ko nga nawalan na ako ng lakas na lumaban sa kanya.
Umupo siya sa couch at iniupo niya ako sa lap niya. Niyakap niya ako ng mahigpit. Ibinaon niya ang kanyang mukha sa aking leeg.
"I miss you,sweetie. ,I miss being this f*****g close to you. . ,umiiyak niyang sabi. Umaalog-alog ang kanyang mga balikat.
Hindi ako nagsalita pero niyakap ko siya ng mahigpit.
Napapikit ako ng maramdaman ko ang init ng kanyang yakap. Ang pamilyar na init na dulot ng pagkakalapit ng aming mga katawan ay nagdulot ng pakiramdam na ligtas ako sa piling niya. I feel calm and at peace.
Kagaya ng dati. ,sa kanyang mga bisig naramdaman ko ang pagiging kumpleto. Yung pakiramdam na wala na akong iba pang kailangan kundi ang pumaloob sa kanyang mga bisig.
Sa kanyang mga bisig muli kong natagpuan ang lakas.