Erin's POV
Hayahay ang araw na ito! Ang saya lang! Akalin ninyo readers in just one day ay yung result na ipinunta ko sa past ay nakuha ko na. She is also in love with me.
Yes. She is also in love with me. Ang saya di ba?
At sobrang ganda niya kanina. Bagay niya yung suot niyang dress. Tapos yung ayos ng buhok niya ang ganda. She looked so sensual and elegant kaya. Yung tipong parang messy yung buhok pero ang ganda pa rin sa mata. Ang plano ko nga magpapaganda talaga ako para mafall na siya sa akin. Sabi nga di ba kapag nakita ng mata na maganda e maganda din ang magiging reaction ng tao sa isang bagay. Pero ako ang mas nastar struck eh. Mas maganda pa siya sa pinakamagandang nilalang sa balat ng lupa. Oo na alam ko oa na. Eh sa maganda nga po eh.
Hindi ko inaasahan ang mga pangyayari ngayong araw na ito. Instead na ako ang gumawa ng ways para mapalapit kay Nath ay siya pa ang panay sa pagpapakilig sa akin.
Una yung tananong ko siya tungkol sa order namin. Ang cute lang. Nauutal pa siya. Haha! Tapos tinawag niya akong babe. Akala ko tuloy mali lang ako ng dinig pero inulit niya eh. Malinis naman ang tenga ko para hindi ko marinig yun noh.
Honesly I never expected her to act that way. Ako dapat ang gumagawa nun eh. Pero tinamaan ako ng swerte eh. Haha!
Akalain kong ang pinakamamahal ko pa ang nagpakilig ng husto sa akin. Her actions caught me totally off guarded. Kasi nga I was prepared na ako ang gagawa ng mga yun.
Worthy yung pagpunta ko dito sa past. Nakilala ko pa yung parents niya. Actually sobrang kabado ako. Hindi ko na lang pinakita kay Nath. Nakita ko rin kasi kung gaano siya kabado kanina.
But it turned out so well. Nagbiruan pa nga kame eh.
Kilig, saya at kaba. Yan lahat naramdaman ko na sabay sabay. So mas malala pa yung sumakay ako ng sampung beses sa roller coaster. Basta hanggang ngayon hindi ko maalis sa muka ko yung ngiti.
Napalitan pa kami ng ilang text ni Nath bago ako nakatulog.
--The next day--
Maaga akong nagising. Kailangan ko kasi magtime travel ulit para bumili ng bonggang tent para sa amin ni Nath.
So nagtext lang ako kay Nath ng goodmorning at pinuntahan ko na yung telephone booth.
Nagpunta ako sa year 2016 para maghanap ng cool na tent. Pangangatawanan ko yung pagtawag niya ng spy kid sa akin. Haha!
So after few hours ay nakakita na rin ako. Enough lang sa dalawang tao. May free na solar panel para may ilaw sa gabi na pwedeng isaksak sa battery. May comforter na rin na kasama tapos dalawang maliit na upuan. Parang pang forest camping tlga. Syempre yung pinili ko yung kasya lang kami ni Nath. Baka may umepal pa kasi na makitulog. Haha!
Bumilik na rin ako sa past. Nagtext ako ulit kay Nath. Nagkasundo kami na pupunta siya sa bahay para magdinner. Pinayagan naman siya kaya dali dali akong nagpunta sa palengke para ipagluto ang mahal ko.
Kahit isang katiting na pagod hindi ko maramdaman kasi lahat ng ito para kay Nath.
Bumili ako ng ingredients para sa carbonara. Madali kasi gawin un. Tapos bumili na lang ako ng roasted chicken at garlic bread. Bumili din ako ng paperplates at spoon and fork. Wala nga kasi akong gamig di ba? At sa lutuan naman makikigamit ako sa landlady ko. Magbabayad na lang ako para sa lpg.
Umuwi na ako agad. Nadatnan ko na nga si Nath sa labas ng bahay ko.
"Hello. Hindi mo sinabing pupunta ka na. Kanina ka pa?" Bati ko sa kanya habang binubuksan yung pinto. Nakashorts lang siya at shirt pero ang cute pa rin niya tignan. Nakalugay lang yung buhok niya.
"Halos kadarating ko lang naman din. Anong lulutuin mo? May dala pala ako. Alam ko kasi wala kang gamit. So merong plato, spoon and fork dito." Sabi niya at nilapag ang dala niya.
"Sana pala hindi na ako bumili neto." Sabi ko at pinakita yung dala ko.
"Haha. Sana pala nagtext ako." Sabi niya at lumapit sa akin at yumakap sa likod ko.
Nagulat talaga ako dahil hindi ko inaasahan yung ginawa niya. So humarap ako sa kanya. Her minty breath drives me nuts! And her pinkish full lips is like asking me to taste them. I had to gather all of the self control I had in every fiber of my being to stop myself from tasting those delicious lips.
"Sige Miss Erin titig lang. Walang bayad yan." Sabi niya na nakangiti.
Nakakahiya naman. Huli nanaman ako sa akto na nakatitig.
"Ang ganda mo kasi." Palusot ko.
"Ako o yung lips ko? Hay naku Miss Erin masama sinungaling. Haha!" Sabi niya.
"Oo na tama ka na." Sagot ko naman alam kong wala na akong lusot.
Then she chuckled. I guess that is my most favorite sound in the whole wide world. Lahat na lang ng bagay na ginagawa niya ay lalong nagpapahulog sa loob ko sa kanya.
"Babe, I better start cooking na. Nagwawala na ang tyan ko sa gutom oh." Sabi ko.
Nagpout naman siya kasi humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya. Cute! Tumawa lang ako sa ginawa niya. Ang mga teenagers talaga.
So nagluto na ako. Nanv matapos ay mga 5pm na rin yun kaya naligo muna ako. Kakahiya naman kung amoy ginisa ako.
Naligo na ako. Si Nath naman ay nasa room ko at nilalaro yung tablet ko.
After maligo ay sa banyo na rin ako nagbihis. Simple shorts and tshirt lang. Pumasok ako sa room and sprayed my favorite cologne. Tapos pinatuyo yung buhok ko sa electric fan.
Doon ko napansin na nakasimangot si Nath. Nagtaka naman ako. I can also feel that the atmosphere now is somehow getting dark.
Lumapit na ako sa tabi ni Nath at umupo. Wala pa rin siyang kibo. I tried to hold her hand pero inalis niya. Confusion and hurt. That was what I felt.
Tinignan ko siya. Sobrang seryoso pa rin ni Nath. Parang galit pa. Ngayon ko lang siya nakita ng ganito. Her soft and innocent features were buried somewhere I don't know.
I hold her hand ulit. Kahit tinatanggal niya ang kamay niya ay hinawakan ko pa rin. I kneeled infront of her kasi ayaw din niya humarap sa akin.
"Babe? Anong nangyari? Bakit galit ka sa akin?" Tanong ko.
"Don't call me babe." Sabi niya.
"Ano ba kasi ang nangyari? Naligo lang ako tapos ngayon ganyan ka na?" Pilit kong tanong.
"Wala." Sabi niya.
"Wala? Eh bakit ganyan ang itsura mo?" Sagot ko.
Hindi siya kumibo. Inabot niya sa akin yung tablet. Tapos i-nun-lock ko. Nakita ko yung picture namin ni Anne na magkaakbay. So now alam na natin readers kung bakit ganito ang inaasal ng pinakamamahal ko. Ang cute magselos eh.
"Selos. She is my best friend." Paliwanag ko.
"Talaga? Eh bakit hindi mo sinabi sa akin?" Nakapout na sabi niya.
"Kasi po babe I am so consumed by the thought of us being, well not officially together, but nontheless being together. Balak ko na rin ikwento sayo si Anne. At isa pa. Kadiring isipin na meron kaming something ni Anne. Parehas kami ng dugo nun." Paliwanag ko.
"Talaga?" Tanong niya.
I just sat beside her tapos niyakap ko siya. Yumakap na rin siya sa akin. So ayos na hindi na siya nagseselos.
"Lika nga picture din tayo para naman meron na dito sa tablet ko." Sabi ko.
Nagpicture picture naman kami. Kung anu-anong ang post namin. Nakakatuwa lang.
"Wag ka na ulit magseselos. Ikaw lang ang laman nito." Sabi ko sabay turo sa puso ko.
Ngumiti naman siya. Tapos niyaya ko na siyang kumain.
Naghapag na ako sa lamesa tapos pinaupo ko na siya. Bumili muna ako ng softdrinks sa tindahan.
"Teka bibili ako ng plastic cup. Isa lang kasi mug ko." Sabi ko.
"Share na lang tayo." Sabi naman niya.
Kumain na kami. May mga times pa na sinusubuan ko si Nath. Feeling ko bagong kasal kami. Haha. Kilig much eh.
After kumain ay si Nath pa yung naghugas ng plato. Sabi ko sa kanya ako na lang pero mapilit siya.
Nang matapos na siya ay niyaya ko na siya na umuwi. Ihahatid ko siya. Hindi naman ako papayag na umuwi magisa ang mahal ko.
Sumakay na kami ng tricycle papunta sa kanila. Hinawakan ko yung kamay niya.
After few minutes ay nasa harap na kami ng bahay nila. Sinalubong kame ng mama ni Nath. Niyaya pa ako pumasok sa loob pero sabi ko kailangan ko na rin umuwi dahil may pasok pa kinabukasan.
Nagpaalam na rin ako kay Nath.
End of chapter