Nath's POV Ganda ng balita ni Erin. Akala ko ko nga kung ano na. Ang drama kasi niya. Tapos natawag ko pa siyang babe! Kahiya naman yun! Hindi pa nga niya tinatanong kung gusto ko siyang maging girlfriend ako naman eto at babe na ang tawag sa kanya. Buti na lang naniwala siya sa palusot ko. I am really happy para sa achievement niya. ------------------------------------------- -December 21- Christmas party sa office ngayon. Lahat halos nakared or green. Ang dami ring food at activities. May disco ball pa at masasayang christmas songs. At magsisimula ang party ng 9pm sa 10th floor ng building. Nasa office muna ako. Kahit kasi saturday at off ko ay napagusapan namin nila Erin na pupunta kami. Kaya naman hinihintay ko na lang sila. Hindi na rin ako mapakali. First party ko ito with her.

