Nath's POV Lumipas ang isang linggo. Wala kahit isang anino ni Erin. Wala kahit isang text o tawag na nagpapaliwanag kung bakit siya nawala. Ang pinakamasakit pakiramdam ko isang buong taon na siyang wala! Wala ring reply sa mga text ko. Hindi ko rin siya matawagan. Ang sakit na wala siya sa tabi ko. Palagi na lang ako nakatulala. Wala na kasi ako maisip kundi si Erin lang. Wala na ako maramdaman kasi dinala na ni Erin yung puso ko. Sa school wala na rin ako gana. Parang pumapasok na lang ako dahil yun ang ineexpect na gawin ko. Ilang beses na akong kinausap ni Angela. Pero kahit anong sabihin niya walang makakapagpagaan sa nararamdaman ko. "Best naman. Wag ka naman ganyan. Babalik siya. Kailangan mo lang maghintay. Gusto mo bang ganyan yung itsura mo kapag dumating na siya?" Sabi ni

