Young Nath's POV (From the past)
Free spirited, medyo weird at cool. Ganyan ko idedescribe yung substitute teacher ko.
Isip bata naman talaga siya diba? (Kaway ang agree!) Remember nung pinatulan niya yung hamon sa chess. Nakakatuwa yung facial expression niya nung natalo siya. Tapos medyo weird siya dahil ibang iba yung acts niya para sa isang teacher. I just find it not the usual. Hehe. Pero super cool. Not only because of the gadgets she has pero ang saya mag aral dahil siya yung nagtuturo. Sa apat na taon ko nga sa school ngayon ko lang nakita ang mga classmates ko na ganoon ka active eh.
But what I really noticed was the way she looked at me. Akala ata niya hindi ko napapansin yung madalas na pagtingin niya sa akin. I also find it cute. And honestly crush ko nga siya. (Sikretong malupit natin ito ha?)
Nakakatuwa pa eh feeling close siya sa akin. Nagulat nga ako nung hinatak na lang niya ako one morning para sabayan siya kumain eh. Pero aaminin ko. Gusto ko yung special attention na binibigay niya sa akin. (Sikreto ulit natin yan ha. Hehe)
Hindi pa naman ako naiinlove kaya hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko. I guess I just like how she treats me. Sino ba naman ang may ayaw sa special attention? Lalo na kung galing sa isang maganda at matalinong katulad ni Erin. Sapakin ko ang hindi mag-a-agree sa akin. Haha.
Kaninang umaga pala I texted her. Alam kong sobrang aga pa nun. Actually nagising lang ako from a very beautiful dream. Tapos ayun nagtext na ako sa kanya. Hindi ko nga akalaing magrereply siya. Nabasa ko na lang nung mga 8 am ng magising ako ulit.
Alam ninyo yung feeling na nagreply si crush? Yung parang may butterfly sa tyan tapos parang baliw ka na nakangiti. Yun yung naramdaman ko eh. Haha!
Sobrang naging busy ako kaya hindi ko na naharap ang parereply ulit. Buti na nga lang at nakita ko siya sa KFC kanina. Swerte :)
Sinabayan pa kaming kumain at pinakilala ko siya kay mom. Akala lang ni mom ay classmate ko siya kasi wala naman sa itsura niya na teacher ko si Erin.
Eto na ngayon, tinatapos ko yung journal ko for sat and sunday. Sabi kasi niya dapat pati weekends ay kasali at ipaste na lang daw namin sa notebook yung entry for sat and sunday.
Hindi ko naman maisulat yung tungkol sa pagkikita namin kanina. Baka makahalata eh. So write I was thinking what to write nag ring ang cellphobe ko.
*from Spy Kid*
--gud eve. See you bukas. :)--
Napasmile ako. Syempre galing kay crush eh. Nagreply ako.
--gud eve dn. i enjoyed being with u knina. Sna maulit ulit.--
Hindi na ako makapagfocus sa paggawa ng school stuff. Parang timang na lang ako na nakatitig sa phone ko waiting for a reply.
*spy kid*
--sure. anytym and anywhere bsta sbihin mo lang treat pa kta. :) mas nagenjoy ako na ksama ka knina.--
*ako*
--this coming sat free kb?--
*spy kid*
--yep. y? asking me on a date? Haha--
Blink...blink.. Ano daw ako niyayaya siya sa date? Nomon! Kinabahan tuloy ako.
*ako*
--date daw? Assuming tayo? Haha.may bagong movie kc na gus2 kong mpanood. no1 interested so naisip ko bka gsto mo.--
Pray pa ako na sana pumayag siya at maniwala sa palusot ko. Hindi naman kasi yun date talaga. Gusto ko lang siya makasama ng kami lang. Pero sinasabi ko sa inyo hindi yun date. Haha.
*spy kid*
--nagtatanong lang assuming na agad? :) I wud love to. Samahan kita.--
Ayun! Pumayag siya! Pagkabasa ko nung reply niya daig ko pa yung nanalo sa lotto eh.
*ako*
--sure na yan ha? wala ng bawian. :)--
*spy kid*
--oo nga po. saturday nga. just tell me the time.--
*ako*
--sure. I'll infrom u sa friday. :)--
*spy kid*
--ok. ano palang gnagawa mo?--
*ako*
--wla. katext ka lang. kaw?--
And to make the story short ay nakatext kami ni Erin hanggang 11pm. Ayoko pa nga sana pero umiral ang pagiging teacher at pinagalitan ako. Hehe.
Natulog na ako ng may ngiti sa lips. Ganito oh ^_^
(The next day)
Naglalakad ako ng naramdaman kong may sumabay sa akin. Si Angela pala.
"Hey." bati niya.
"Hello." sagot kong bati. Hindi naman kami close kaya nagtataka ako bigla niya akong binati.
"Thanks pala sa number ni Erin ha. Nagdinner kame kagabi." Sabi niya.
I snapped my head to her direction. I felt cheated. Asar lang eh. Alam ko namang wala akong karapatan. Pero wala akong magawa kasi yun talaga naramdaman ko. Kaya pala niya kinuha number ni Erin.
"Ok. Una na ako. Bye." yun lang ang sinabi ko at iniwan na siya. Naiinis talaga ako.
Nagpunta na ako sa quadrangle para sa flag ceremony. Nakita ko naman agad si Erin at nginitian ko siya. Ngumiti din siya sa akin at yun ang nagpabuo ng araw ko. Asar lang kasi bigla nanaman sumulpot si Angela at kinausap si Erin. Parang nagenjoy pa si Erin kasi tawa siya ng tawa. At ganoon din kadali nasira and araw ko. Grrr...
At dahil sa nakita ko buong araw na ata akong wala sa mood. Dumiretso na ako sa room namin. First subject ko si Erin ngayon.
Ganoon pa rin. Palagi ko siyang nahuhuling nakatingin sa akin at kapag ganoon ay ngumingiti talaga ako ng bongga. Akala ni Angela hindi niya makukuha si Erin sa akin. Kilala ko si Angela. A total playgirl kaya alam kong kawawa si Erin kung sakaling magiging sila.
Binigay na rin niya yung mga journals after ng class namin sa kanya. Yung mga classmate ko napalitan ng mga journals. Yung iba natuwa sa comment ni Erin kasi encouragement lalo na sa mga crushes kasi normal lang daw yun.
Nang basahin ko yung akin.
"Nathalie Belle Cruz, you still have a very long journey ahead of you. Focus on your studies first."
Nagkwento rin ako tungkol sa crush ko pero bakit ganon yung comment niya. Focus on studies daw. Kung alam lang niya siya si Spy Kid. Kakasad naman. Pero ikukuwento ko pa rin sa journal ko yun ah. Tigas lang ulo eh. Bakit yung ibang classmate ko hindi naman siya ganun.
After ng dalawang subject ko break time na. Alam kong break time din ni Erin kaya bumili ako ng snacks para makasabay siyang kumain. Naglalakad ako papunta sa room namin at nakarinig ako ng tawanan.
Nang makalapit ako si Angela at Erin nanaman ang magkasama. Double GRRRR! Is my day gonna be a lot worse than this?
Pero hindi dapat magpatalo. Lalo na kung si Erin ang ipaglalaban. So I composed myself and smile. Pumasok ako sa room.
Agad naman akong nakita ni Erin at lumapit; siya.
"Hi!"
"I was thinking baka pwede kitang sabayan sa break mo." pacute kong sabi.
Nagsmile siya ulit. "Sure that will be great. Lika dito."
Sumunod ako sa kanya. Umupo siya sa taas table niya at ako naman ay humila ng upuan. Then there was an awkward silence.
Nagpaalam bigla si Angela na may pupuntahan. Buti naman at nakaramdam ang bruha na hindi okay na nandun siya. Ang nakapag painit lang ng ulo ko ay kumindat pa siya kay Erin. Akala niya hindi ko nakita. Sumimangot tuloy ako.
Nang makaalis na si Angela nagsalita si Erin.
"Smile. Hindi mo bagay ang nakasimangot."
Ngumiti naman ako.
"Yan mas bagay ang nakasmile ka." Sabi ni Erin habang ngumunguya ng nova.
"Badtrip lang ako kanina. Pero okay na ako ngayon." sagot ko naman
"Halata nga. Kanina pa yung kunot dyan sa kilay mo. Nakakapangit yan." Biro niya.
"Ay naku. Tama ka Erin. Baka pumangit nga ako. Mahirap na. :)"
Nagkwentuhan na kami hanggang sa matapos ang break time.
Kahit badtrip ako dahil sa closeness na nakikita ko sa kanila ni Angela ay okay naman so far. Tuwing may chance ah nagtetext ak
sa kanya. Magrereply naman pero papagalitan pa ako dahil may class daw ako. Umandar nanaman ang pagiging teacher niya.l
Ayun. Tapos na rin ang isang araw sa school. Pero naeexcite na ako ulit pumasok. Alam ko kasi makikita ko ulit si Erin. Inspiration eh.
Naglalakad na ako papuntang main gate palabas ng school ng may tumawag sa akin. Si Angela nanaman. Asar lang ano ano naman kaya ang kailangan ng babaeng ito sa akin.
"Nath! Wait lang!" Sigaw ulit niya.
Kunwari hindi ko siya narinig at diretso pa rin ako sa paglalakad. Napansin ko na lang nasa tabi ko na siya.
"Nath! Bilis mo naman lumakad. Tinatawag kita eh. May sasabihin sana ako." sabi niya na hinihingal dahil sa paghabol sa akin.
"Ano ba yun?" masungit kong sagot.
"Kasi ano... close kayo ni Erin.Papalakad sana ako sayo. Hehe." Sabi niya.
Aba!!! At ako pa talaga ang nilapitan niya e parang mas close nga silang dalawa kesa sa akin.
"Teacher siya. Alam mo yan di ba? At paano kung may makaalam sa gusto mo? Mawawalan siya ng work. And please lang, kilala kita. You break every heart na dumadaan sayo. She doesn't deserve you." paangil kong sagot. Nakakapika na ito. Sa akin pa talaga humingi ng tulong.
Ako rin naman may nararamdaman na special para kay Erin pero alam kong bawal dahil teacher ko siya
"Ouch naman classmate. Hindi ko naman kasalanan na assuming sila na may gusto ako sa kanila eh. At hindi naman siya mawawalan ng work kung walang makakaalam."
pangungumbinsi niya sa akin.p
;
As if naman papayag ako sa gusto ni Angela. Bago siya sa akin na muna si Erin.
"Ewan ko sayo. Humanap ka ng ibang kausap. Wala akong panahon sa mga sinasabi mo." sagot ko at iniwan ko na siya at dali daling lumabas ng campus.
Nakakapang init na talaga ng ulo si Angela!
Para mawala ang init ng ulo ko naligo ako pagdating sa bahay at naghanap ng icecream sa ref. Ganito ako kapag stressed na. So after few minutes ay okay na ako. Gumawa na ako ng assignments.
After nun ay nagdinner na ako kasama sila mom, dad at kapatid ko.
Nahiga na ako sa bed. Naisip ko paano kaya kung maging sila ni Erin at Angela? Ano kaya ang gagawin ko. But a reality hit me. I AM IN LOVE.
Kasi alam ninyo yung feeling na sobrang sakit na mawawala yung tao sayo. Yung feeling na 10billion bolts sa puso tapos samahan pa ng wrecking ball sa pagdurog at lagyan ng asin? Ganun eh. Tapos yung feeling mo dahil umuulan eh nakikiiyak ang langit sayo. Swak!
Dahil malamig ang gabi sa lakas ng ulan sa labas, nagkumot ako at niyakap ang unan ko. Nakatulog na ako sa kakaisip na sana si Erin ang katabi ko ngayon.
End of Chapter.