Araw ng sabado ngayon. Walang pasok sa opisina si Anthony. Kaya naman napagdesisyunan namin na mamili ng ilan pang gamit ni baby sa mall. Bago kami pumunta ng mall ay dumaan muna kami sa aking doctor para sa follow up check up at ultrasound. Ngayon namin malalaman ang gender ng anak namin. Nang makarating kami sa ospital, agad kaming inasikaso ng nurse upang makuhanan ng vital status, fetal heart tone at ng timbang ko. Lahat naman ay maayos, walang problema sa pagbubuntis ko. Hinihintay lang naming dumating ang doctor sa loob ng clinic nito. Habang kami'y naghihintay ng doctor, biglang nagsalita si Anthony "Love, nakaisip kana ba ng pangalan ng baby natin?" Excited na tanong nito habang hinihimas ang aking tiyan. "Ako may naisip na kung sakaling Baby Boy sya". sabi nito habang nakangit

