Prologue

800 Words
(Incoming text tone) Beep Beep Mahal: Huwag kana mag text kahit kelan. Hwag mo na akong tatawagan, magpapakasal na ako, may nabuntis ako at kailangan ko sya pakasalan. Tapos na tayo.... "What?" matagal kong tinitigan ang text message sa harapan ko. Gulat na gulat sa mga mensaheng narito. Ang daming tanong na gumugulo sa isipan, hindi makapaniwala sa mga nababasa. Me: "Wrong send ba to?" ilang saglit akong naghintay ng reply pero wala. Me: "Mahal, ano to?" Me: "Hindi magandang biro yan ah" Me: "Mahal" Ngunit wala pa rin akong reply na natatanggap sa kabila ng mga mensaheng pinadala ko. "Anong nangyayari? Hindi ko to inaasahan. Baka naman na wrong send lang. Susubukan ko na lamg syang tawagan." Saka ko dinayal ang kanyang numero. Dialing....(The subscriber cannot be reach, please try your call later) Muli ko pa ulit sinubukang tawagan si Anthony. Dialing....(The subscriber cannot be reach, please try your call later) Ngunit hindi na nagri ring ang kanyang cellphone. Walang sagot sa mga text o tawag ko. Ano ba ang nangyayari? Kahapon lang masaya kami, kahapon lang ang dami naming pangarap na pinagsasaluhan pero ano to? Anong nangyayari? Bakit wala akong alam? End of flashback Ang tagal kong tinitigan ang number nya sa cellphone kong hawak, gustong gusto ko ulit subukang tawagan sya pero kada magda dial ako palagi na lang naka off ang phone nya. Ayoko pang tumigil sa agasang isang araw makakausap ko siya. Umaasa pa ako sa pangako nya sakin. Umaasa pa akong makakakuha ng sagot sa mga huling mensaheng natanggap ko mula sa kanya. Hihintayin ko sya, hihintayin ko pa rin siya dahil mahal ko siya. Hihintayin ko pa rin ang mga paliwanag niya pero hanggang kailan? Hanggang kailan ko sya hihintayin? Hanggang kailan ako aasa na isang araw magpapakita siya? Hanggang kailan ako aasa sa mga sagot na naiwan dito sa puso at isip ko? Or should i say may hihintayin paba ako? Worth it paba ang ginagawa kong paghihintay? Tama pa ba itong ginagawa ko? Hindi ko na alam kung tama pa ba ang ginagawa ko. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko paninindigan ang ginagawa ko. Patuloy lang akong kumakapit sa mga pangako niya. Nangako sya eh, sabi nya hahanapin nya ako kapag naging pulis na sya. Sabi niya gagawin niya ang lahat ng paraan makita niya lang ako. Pero hanggang ngayon wala, hanggang ngayon bigo pa rin ako. Hanggang ngayin umaasa pa rin ako kahit alam ko sa sarili ko na malaki ang tiyansang wala na akong dapat asahan pa. Baka hindi na sya naging pulis kaya hanggang ngayon wala pa sya. Baka busy sya. O baka wala na talaga sya.. Oo nga pala, may nabuntis na siya at sinabi niyang magpapakasal na siya. Ano pa ba ang silbi ng ginagawa ko? Ano pa ba ang silbi ng mga pngakong napako na at nalimot na ng panahon. Ano paba ang silbi ng mga ginagawa komg ito. Hindi ko na namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko, andito pa rin ako sa park na paborito namin pasyalan. Nakatanaw sa kawalan. Nagpapalipas ng oras at naghihintay sa paglubog ng araw. Gaano na nga ba katagal Rafaela? Isang taon? Dalawang taon? Magisip ka na girl, hindi mo alam baka tumatakbo na ang anak nun! Hindi mo alam baka nasundan pa ang naging una nilang anak! Baka kinasal na sila! Bakit hindi kapa rin mag move on? Bakit nananatili ka pa ring nakatali sa mga pangakong hindi na matutupad? Tama na yan, husto na. Matauhan kana. Sabi ng isang boses sa isip ko. Bakit nga ba hindi pa ako mag move on? Bakit nga ba patuloy pa rin akong umaasa at naghihintay? Umaasang mali lang lahat, umaasang babalikan nya pa ako. Umaasa sa mga pangako nya. Maganda ka naman Rafela. At ngayon ay maganda na ang estado ng career mo. Matalino ka, marami rin naman ang manliligaw mo at hindi basta basta kung sino lang, karamihan ay mga kilalang tao pa, gwapo, mayayaman pero bakit hindi mo subukang magmahal muli? Bakit hindi mo buksan ang puso mo sa ibang relasyon. Sa talino mong yan, alam mo na ang taong dapat ay minamahal at pinakaiingatan. Alam mo na kung ano ang mga bagay na magpapasaya sayo at alam mo na ang tama at mali dito sa mundong ibabaw pero bakit mo kinukulong ang sarili mo sa isang kabanata ng buhay mo na hindi na babalik? Kaya mong sumaya sa piling ng iba. Kaya nilang tumbasan ang ginawa sayo ni Anthony dati o baka nga mas kaya pa nilang higitan. Bakit di mo subukang magmahal ng iba? Pero sa kabilang isip ko hindi ko pa rin maalis ang mga ala alang hinding hindi ko kayang kalimutan. Mga ala ala kung saan minsan naging masaya ako ng lubusan. Bakit? Bakit nga ba? Bakit hindi ko subukan?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD