FREDERIK’S POV “HEY!” bati ko agad sa mga kaibigan ko. I gathered all of them, lahat ng kaibigan ko na nakakaalam ng talagang nangyari nong kasal ko, 8 years ago. “What's up, bro?” bati rin sa akin ni Art, ang abogadong kaibigan ko na may-ari ng bar, kung saan kami ngayon nagkita-kita. Umupo na ako, mabuti na lang at nasa 2nd floor kami which is medyo kaunti lang ang mga tao, pribado kasi, mga kilala at mayayaman lang ang pwedeng magpa-reserve rito, at dahil kaibigan namin ang may-ari kaya andirito kami lagi pumepwesto. Kumbaga special spot na ‘to for us –yung kinalalagyan kasi namin ay tanaw talaga ang lahat ng tao sa unang palapag kung saan maraming nagsasayaw sa dance floor at mga nag-iinum o chill sa bar counter o sa mga lamesang nakapwesto roon, at nakikita rin namin ang mga pumapa

