FREDERIK’S POV “DADDY.” Napalingon ako sa tumawag sa akin. Walang ka ngiti-ngiti kong hinarap ang isang batang lalaki na kakapasok lang ng aking opisina rito sa bahay. “Yes?” walang ka emo-emosyong tugon ko. Napansin ko ang pag-igtad nito, senyales na naiilang siya sa presensya ko.Binibigay ko naman ang lahat ng kailangan niya, hindi ako nagkulang doon. Pero isa lang ang hindi ko magawang ibigay sa anak ko... pagmamahal, wala talaga, wala talaga akong makapang pagmamahal sa anak namin ni Diana, hindi ko alam kung bakit ganito. Anim na taon na ang nakakalipas pero parang nawala rin ang puso ko, kasama nang paglisan ng babaeng tunay kong minamahal. Oo, naging klaro na ang lahat sa akin, lalo na ang totoo kong nararamdaman sa babaeng iyon. Tama nga ang sabi nila, mare-realize mo lang ang

