Chapter 1 Marianette’s V Kasama ko ngayon sina Mama at Papa dito sa Manila Zoo. Nakakatuwa rito kasi maraming tao, iba’t ibang uri ng hayop, maliit at malalaki. Kaarawan ko kasi ngayon kaya dinala nila ako rito para ipagdiwang ang ika-limang taong kaarawan ko. Naglalakad kami ni Mama sa may park. Hawak-hawak ko ang kamay ni Mama kasi sabi niya, "Huwag kang bibitiw, anak, baka mawala ka." At dahil sa takot akong mawala kaya ang higpit-higpit ng hawak ko. Habang naglalakad kami, nakita ko ang isang batang lalaki. Mas matangkad siya sa akin, mga siyam na taon na siguro. Kulay itim ang buhok niya at may suot siyang pulang t-shirt. Nakatingin siya sa akin at nakangiti. "Hello!" sabi niya sa akin. Nakangiti ako sa kanya pero hindi ako sumagot kasi sabi ni Mama, hindi raw ako dapat makipag-

