CHAPTER 6 Ken’s PoV Ang bilis ng panahon, parang kahapon lang ay dumating sina Marianette dito sa Buhay na Bato at parang kahapon lang din nang nalaman kong ampon ako. Isang taon na agad ang lumipas at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung ano nangyari sa mga magulang ko. Kung bakit maaga nila akong iniwan. Hindi naman ako nagrereklamo, lalo pa at inaasikaso ako ng mabuti ni Tita Nella. Para ng tunay na anak ang turing niya sa akin. Pati si Don Romeo ay hindi na iba ang turing sa akin. Pag uwi niya ay tinatawag niya kami ni Marianette at uupo na siya sa kanyang paboritong upuan at doon ay isasandal niya na ang pagod niyang katawan, pipikit at magpapahinga habang binubunutan siya ni Marianette ng puting buhok at ako naman ay minamasahe ang kanyang paa. Masaya na ako sa ganitong b

