CHAPTER 31 Enzo's PoV Palabas na ako mula library dahil susunduin ko na ang kapatid kong si Verena. Maaga pa naman pero fifteen minutes pa ang traveling time para maka punta sa school ni Rena kaya I have to go. Kaka-lagpas ko pa lang ng gate nang mapansin ko ang isang familiar figure within sight. Isang babae ang nakatayo, nakatalikod sa akin. Napahinto ako. Si Nette ba ‘yon? Hindi ako sigurado. “Neth is that you?” tanong ko sa babaeng nakatalikod sa akin. Pinagmasdan ko siyang mabuti. Mahaba ang kanyang buhok, itim na itim at tuwid na sumusunod sa hangin. She's so graceful, so captivating. “Nette?” tawag ko, may halong pag-aalinlangan ang boses ko. Parang biglang bumagal ang oras nang marinig niya ako. Dahan-dahan siyang lumingon, para bang nasa isang slow-motion scene sa peliku

