Gumising akong parang binibiyak ang aking ulo sa sakit. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mata. I was surprised kung nasaan ako. Lumabas agad ako sa kuwarto ng aking kaibigan. "O! Gising ka na pala. Drink this. Makakatulong to sa hang over mo." Iniabot niya sa akin ang isang tasa ng kape. Nag-alangan akong tanggapin ito. "Did I do something stupid last night?" Umupo ako sa high stool ng kanyang mini-bar. "You were dead drunk last night." "May ginawa ba ako or tayo? I mean..." Pinutol niya ang sasabihin ko. "I still respect you, Nica. Wala kang dapat alalahanin. Walang nangyari. You were like a lost girl last night. Next time na mag-inom ka ng ganoon, dapat may kasama ka." Napabuntong-hininga ako. "Yes. I know. And I'm sorry kung naabala kita. And thank you. Thank you dahil

