"Do you want to walk outside?" masuyong bulong sa akin ni Samaniego matapos ang masaganang hapunan. "Magpapaalam lang ako kay Lola." Tatayo pa lang sana ako sa couch na aming inuupuan pero hinila ako ni Samaniego. "Naipagpaalam na kita." Inakay na niya ako palabas ng kanilang bahay. Sina lola at ang kaniyang mga magulang ay abala sa pagkukuwentuhan. Naglakad kami pagawing south part ng hacienda. "Teka? Are we going to your mansion?" I asked. "Yes." "Doon ka na ba nakatira?" tanong ko habang sabay at magkawak ang aming mga kamay sa paglalakad. "Nope." Takang tingin ang ipinukol ko sa kanya. "It's better to live there when I marry my precious girl." He said habang derecho ang kanyang mga tingin sa daan. "Oh!" sagot ko na lang. Hindi na siya nagsalita. Bagkus ay nagpatul

