Independent Woman 19.2 Marami pa ang mga tao na nagpapasukan, may iba na prente pa din sa mabagal na paglalakad na tila sinusulit ang kanilang oras, at may iba naman na tumatakbo na upang hindi mahuli sa kanilang mga trabaho. Mahaba din ang traffic na sinuong namin ngunit hindi iyon ang naging dahilan upang mahuli sa trabaho. May bente menutos pa bago ang oras ng kanilang mga empleyado at isa na din doon si Sabry bilang isang CEO. Kaya naman ay hindi na din nakakapagtaka kung may mga naglalakad pa papasok at mga hindi pa nagmamadali. “Sabry, paano kung mauna ka nalang kaya sa pagpasok sa loob at susunod nalang ako sa ‘yo?” nag-aalangan kong ani sa kanya bago pilit na ngumiti. Masyado kasing marami ang mga tao sa labas, akala ko sa mga napapanuod ko lang ito na drama na nakikita na may

