Lumabas ako mula sa condo at napagdesisyunan na bumili ng pagkain para kay Bryanna. Ngayong lumalaki na sila ay lalo silang nagiging spoiled. Paano ba naman kasi ay lahat yata ng gusto nila ay ibinibigay sa kanila ni Sylvan anomang oras. Kung hilingin siguro nila ng bahay ay agad na magpapagawa si Sylvan. He loves our children to the point they're spoiled. Nagpunta ako sa 7/11 at namili ng mga junk foods na hiniling nila. Aksidente kong naihulog ang isang lata ng coke dahil natabig ako ng isang lalaki. "B—Bryson?" Gulat na bulong ko sa ngalan niya ng mamukhaan siya. Gulat itong napatingin sa akin habang hawak ang isang coke. "Savanna," anas din nito at bahagya pang ngumiti. Halos andaming nagbago sa kanya dahil mas lalong tumingkad ang pagka-tan ng kulay niya. "Can we talk for aw

