"Si Margaux, umuwi na?" Buong-buong narinig ni Elisa ang sinabing iyon ni Audrey. Nasa gawing likuran lang naman siya nito, binalikan niya si Audrey para tanungin kung ano ang ihahanda niya sa hapunan. "Kailan siya bumalik?" Bago pa man mamalayan ni Audrey na narinig niya ang lahat ay tahimik siyang umalis sa kinatatayuan at umakyat muli sa itaas. 'Bumalik ka na rin sa wakas, Margaux.' Nakapag-isip na rin siguro. Dapat masaya siya pero hindi niya makuhang makaramdam ng kasiyahan. Nadudurog ang puso niya isipin pa lang na matutuloy na rin sa wakas ang kasal nit okay Lorenzo. Tama lang ang ginawa niya na hindi nagpadala sa bugso ng damdamin dahil madedehado siya sa bandang huli. Ah, siguro dapat na siyang umalis sa bahay na ito. Ano pa ba ang silbi na manatili siya rito? Hindi na si

