He planned to take it slow pero utos ng pagkakataon. Umalpas ng kusa ang kinikimkim na damdamin. Ilang sandaling natigilan lang si Eli. Umawang ang bibig, napatingin sa kawalan, at nang tila makabawi sa kabiglaan ay saka nakuhang magsalita. "Huwag mo akong biruin ng ganyan." Gumuhit ang yamot sa mukha nito. Tumalikod at mabilis ang mga hakbang na naglakad palayo sa kanya. Shit! Nasimulan na rin lang, itutuloy na niya. Hinabol niya ito. "Eli!" Parang binging nagpatuloy lang ang dalaga. Mas lalong nilakihan ang mga hakbang. "Eli, please." Sinubukan niyang pigilan ang kamay nito pero iwinaksi nito ang braso niya. Patakbo itong pumanhik ng bahay at nagtuluy-tuloy sa hagdanan. "Let's talk. Huwag mo akong iwasan." Mahigpit niya na itong pigil-pigil sa pupulsuhan pero nagpumiglas ito han

