Nagsasalimbayan ang mga dahon ng mga halaman sa burol, pati na ng punong kamatsile ay sumasayaw sa ihip ng hangin habang ang mga ibon sa kalangitan ay tila lumilikha ng magandang awitin sa buong kapaligiran. Humugot siya ng malalim na buntong-hininga saka bumaba sa kinalululanang kabayo. Ang burol, ang kubo, ay gano’n pa rin. Ang tanging nagbago lang ay ang mas pagtanda ng puno. Unti-unti nang nalalagas ang mga dahon niyon. Napahakbang siya palapit sa puno, sa mismong kinauukitan ng mga initials nila ni Eli. Napangiti siya. It feels like yesterday. Nakikini-kinita pa niya ang mahal na asawa habang nakangiting hinahalikan sa lilim ng puno. "Ha-ha-ha.!" At parang naririnig pa rin niya ang mga matutunog na halakhak ni Eli. Sa mga mumunting bagay ay kaagad na itong napapatawa at napapa

