Leandro's P.O.V Mula umaga ay wala akong ibang ginawa kundi maglakad lakad, kumain at magpahinga. Minsan naman ay nararamdaman kong kumikirot ang sugat ko ngunit 'di naman 'yon tumatagal at mabilis ding nawawala. Kagigising ko lang muli at alas diyes na ng gabi napansin ko namang mag-isa lamang ako sa kwarto. Dahan dahan akong tumayo at saka bumaba sa sala para hanapin si Sachi. Agad ko naman siyang nakita na naka-upo katabi si Reiz habang nanonood. "Oh bakit ka naman bumangon?" Bungad na tanong ni Sachi ng mapansin niya ako. "Nagising ako eh at saka nakaramdam din ako ng gutom," pagsagot ko. "Gano'n ba.. ahmm dito ka muna ipagluluto kita saglit," sabi niya at saka tumayo mula sa pagkakaupo. Dahan dahan naman akong lumapit kay Reiz at tumabi sa kaniya. Nagpunta naman sa kusina si Sac

