Leandro's P.O.V
Sa nakalipas na dalawang araw ay hindi nabawasan ang aming bilang at sa araw na ito ay graduation day na namin.
Busy ako sa pag-aayos sa sarili ko dahil ito ang pinaka-inaantay naming lahat ang makapagtapos. Nakakalungkot mang isipin na nabawasan kami dahil sa mga bagay na 'di kapani-paniwala ay nandito kami at patuloy na lumalaban.
Gaya ng napag-usapan namin ay sabay sabay kami nina Sachi papuntang school kasama ang parents namin.
"Nak, mukhang nandito na sina Sachi sa labas. Hindi ka pa ba tapos diyan?" Sigaw ni mama mula sa baba.
"Pababa na po ako ma!" Pagsagot ko naman sa kaniya.
Muli akong tumingin sa salamin at saka tinignan ang itsura ko. Hindi ko alam kung bakit pero nakikita kong malungkot ang reflection ko sa salamin kaya't pinili kong ngumiti.
Pagkatapos ay agad na rin akong bumaba at nakita ko sina mama at papa na nakahanda na sa pag-alis.
"Ang gwapo naman ng anak ko," papuri ni mama sa akin.
"Matagal na ma," pabiro kong sabi.
Nagtawanan kami saglit at saka ako pumagitna sa kanila at naglakad na kami palabas ng bahay.
Nakita ko naman sina Sachi sa loob ng sasakyan kaya naman agad na rin kaming pumasok sa loob.
"Ang ganda mo ngayon ah!" Bungad ko sa kaniya.
"Ano kaba? Palagi akong maganda," pagpuri nya sa kaniyang sarili.
"Ah yes!Nakalimutan ko," sabi ko at saka ngumiti sa kaniya.
"Hindi n'yo ba 'ko nakikita? How about me? How about my looks?" Pagrereklamo ni Gavreel.
"Ayos naman," sabay naming sabi ni Sachi na dahilan para mapatawa kaming dalawa.
"I knew it! Hindi n'yo talaga ako tinuturing na isa sa inyo," pag-iinarte niya.
"Eto naman, you look amazing today and take note. You are kinda cute today huh," pagpuri sa kaniya ni Sachi.
"Ohh? 'Wag kana mag tampo. Ang pogi mo kaya ngayon," sabi niya sa akin ng makita niyang sumimangot ako.
"Sus, nauna mo pa siyang purihin kaysa sa akin," sabi ko.
"Ang arte mo," natatawa niyang sabi.
"Alam mo namang ikaw lang ang pogi sa mga mata ko," dagdag pa niya.
Ilang minuto pa ang nakalipas ay narating na namin ang aming school at isa isa kaming bumaba. Konting oras nalang at magsisimula na ang pagtatapos namin bilang senior highschool at tatahakin na namin ang magulong mundo ng college life.
"May problema ba?" tanong ni Sachi sabay hawak sa kamay ko.
"W-wala naman pinagmamasdan ko lang ang school, sobrang daming memories ang nagawa natin dito at maiiwan na natin ang mga 'yon," sabi ko at saka tumingin sa kaniya.
"Isa sa best part ng highschool life ko ay nung nakilala kita, Sachi." dagdag ko pa at saka siya binigyan ng halik sa kaniyang noo.
"Seryoso kayo sa ginagawa n'yo?" Singit ni Gavreel na nasa likuran namin.
"Look, 'yung parents natin malapit na ro'n at nandito tayo naghaharutan kayo at pinapanood ko naman kayong dalawa," pagrereklamo niya.
"Alam mo kasi ligawan mo na si Reiz, ikaw rin nauubusan na tayo ng oras hindi natin alam kung hanggang saan nalang tayo tatagal," malalim kong pagsusuri.
"Ano kaba? Makakalabas tayo sa bangungot na 'to at sinisigurado ko 'yon," sabi ni Sachi.
"LEANDRO! SACHI! GAV!" isang sigaw mula sa likuran namin.
Agad ko namang nakita sina Reiz kasama sina Lance at Kate. Agad naman akong kumaway sa kanila at naglakad naman sila patungo sa amin.
"Bakit hindi pa kayo pumapasok sa loob?" agad nitong tanong.
"Actually, kararating lang din namin dito at nauna lang pumasok sina mommy sa loob," sagot ni Gavreel.
"Ah ganoon ba? Siguro pumasok na rin tayo," sabi ni Reiz.
"Sandali!" Pagpigil ni Kate sa amin.
"How about our mission for today?" tanong niya.
"After graduation ceremony, pag-uusapan nating lahat 'yon" diretsong pagsagot ko.
Nagsimula na kami sa paglalakad papasok sa loob dahil ilang minuto nalang ay magsisimula na ang graduation. Naupo na kami sa kaniya kaniyang upuan para sa paghahanda.
Nagsisimula na ang isa sa pinakamalaki at pinakamahalagang parte ng aming buhay. Habang ang lahat ay umaawit ng pambansang awitin ay hindi ko maalis sa isip ko ang kailangan namin gawin ngayon araw.
Matapos ang mga pag-awit ay nagbigay ng mensahe ang aming principal para sa mga estudyante at mga magulang. Ang buong paligid ay napakatahimik at tanging boses lang ng aming principal ng iyong maririnig.
Matapos ang pagbibigay ng principal ng kaniyang mensahe ang lahat ay nagbigay ng isang masigabong palpakan. Maya maya pa ay tinawag naman ang isang guest speaker na magbibigay ng kaniyang pananaw tungkol sa pag-aaral at ang kaniyang sariling karanasan sa paaralang ito.
Matapos ang isang mahabang pagsasalaysay ay nagsimula na sila sa pagbibigay ng mga diploma sa bawat etudyante. Isa isang pagtawag at pag-akyat sa stage ang ginawang sistema. Habang nagtatawag ang aming principal ay napansin ko ang isang babaeng nakatayo sa 'di kalayuan na nakatingin sa amin habang naka-cross ang kaniyang mga kamay. Hindi ko alam ngunit parang nakatingin siya sa amin at nakangiti sa 'di ko malamang dahilan.
"Leandro, ikaw na tinatawag," pagbulong sa akin ng katabi ko.
Agad naman akong napabalikwas sa aking kinauupuan at saka mabilisang naglakad kasama sina Mama ngunit 'di ko maalis sa tingin ko ang babaeng nasa gilid.
Binuhos ko saglit ang aking atensyon sa programa at saka ngumiti sa camera. Matapos ang pagkuha ng litrato at pakikipagkamay sa mga officials ay diretso naman kaming bumaba ng stage at bumalik sa kani-kaniyang upuan.
Nang muli kong tignan ang kinatatayuan ng babae kanina ay wala na siya ro'n. Buong programa ay hindi ako mapakali dahil naiisip ko kung totoo ba yung nangyari kanina o namamalikmata lamang ako sa nakita ko.
Makalipas ang halos isang oras ay natapos ang pagbibigay ng mga diploma at muling nagsalita ang aming principal para ibigay ang kaniyang huling salita. Matapos iyon ay tinwag nya ang aming school president para magbigay ng isang maikling mensahe para sa lahat.
Agad namang umakyat sa stage si Gavreel at nakangiting naglalakad papalapit sa principal. Agad ito nakipagkamay at saka kinuha ang mic pagkatapos ay nagbigay ng isang maikling mensahe para sa lahat ng tao. Pagkatapos ay nagpasalanat ito at saka muling bumaba sa stage. Nakangiti naman ang aming principal habang ako ay tinatwag para sa valedictorian speech. Nagpalakpakan ang mga tao habang ako ay papalapit sa stage at saka ako kumaway sa mga tao at ibinigay ang aking matamis na ngiti.
Tumingin ako sa mga tao at saka ako huminga ng malalim at sinimulan ang aking sasabihin.
"Good morning! Principal Warren, Trustees, Faculty members, family, friends and fellow graduates, today is a day to be thankful and to be inspired.
Una sa lahat, gusto kong pasalamatan ang St. Francis Integrated Highschool para sa pagbibigay ng isang napakahusay na pagtuturo sa amin lalo na sa ating administration at guro. Dahil sainyo kami ngayon ay handa na para sa susunod na hakbang o yugto ng aming mga buhay.
Para sa aking fellow graduates, gusto ko na maging thankful din kayo para sa mga natanggap natin sa school na 'to dahil naniniwala ako na lahat ng natutunan natin dito ay magagamit natin sa bawat araw na tayo ay nabubuhay.
At higit sa lahat, dapat tayong magpasalanat sa ating pamilya. Sa nakalipas na anim na taon nakaranas tayo ng maraming breakdowns at kasiyahan pero andiyan pa rin sila para sa atin. Maraming salamat Mama at Papa. Wala ako rito ngayon kung wala kayo.
Pinakahuli sa lahat, gusto kong pasalamatan natin ang isa't isa. Sa lahat ng friendship na nabuo natin dito ay hinihiling ko na tumagal 'yon habang buhay. Gusto ko kahit malapit na tayong maghiwahiwalay ay nandiyan pa rin tayo para sa isa't isa at handang tumulong kahit anong oras.
Kanina tinanong ako ni Mr. Warren kung anong naging inspiration ko sa pagbuo ng speech na 'to.
Personally, I am inspired by our classmates who passed away. Isa sila sa mga dahilan bakit ako nakatayo rito sa harapan niyong lahat. Nakakalungkot mang-isipin ang mga nangyari sa kanila ay masaya ako dahil naging parte sila ng aking buhay. At hinding hindi ko sila makakalimutan hanggat nabubuhay ako sa mundong iyo.
Fellow graduates, when you leave here today, celebrate what you have accomplished, but look forward with an eye toward how you, too, can be the inspiration for others.
Congratulations Class of 2021-2022!" na-iiyak ako habang sinasabi ang bawat salitang nabubuo sa aking isipan.
Nagpalakpakan ang bawat isa at saka ako muling nagpasalamat bago bumaba sa stage para bumalik sa aking kinauupuan.
Makalipas ang ilang oras ay natapos na ang graduation ceremony. Masayang nagsigawan ang bawat isa, mayroong nag-iiyakan at nagyayakapan. Sadyang ito na siguro ang isa sa mga pinaka-importante araw para sa bawat estudyante.
"Congratulations! Batch of 2021-2022 I hope you'll be successful in your next stage in life," Huling mensahe mula sa aming punongguro.
Pagkatapos noon ay agad kaming nagtunguhan nina Kate bilang sensyales na tipunin ang bawat kaklase namin. Agad ko namang binulungan ang bawat kaklase ko na aking madaanan at sinabing pumunta sa court ng aming school para sa konting pag-uusap.
Matapos kong masabihan ang iba ay agad naman akong dumiretso sa court para doon na lamang antayin ang iba para sa pag-uusap.
Pagkarating ko roon ay nakita ko na ang iba at pati na rin sina Sachi. Kasunod ko naman ay ang iba pa naming kamag-aral na siyang sama samang pumunta.
"Andito na ba ang lahat?," tanong ko.
Nagtinginan naman silang lahat para siguraduhin kung may nawawala. At ng matiyak naming andito na kaming lahat ay saka ako muling nagsalita.
"Alam kong dapat celebration ang iniisip natin ngayon pero alam natin na kailangan natin 'tong gawin para sa atin," panimula ko.
"Lahat ng kakailanganin natin ay nakahanda na bodega ng school. Ang kailangan nalang nating gawin ay patayin ang mga CCTV. Ako kasama sina Kate ang gagawa ng bagay na 'yon, at kayo naman ay mag-aantay ng signal kung kailan kayo papasok," pagpapaliwanag ko ng plano.
"Mga anong oras naman natin 'to gagawin?" tanong ni Ayesha
"Mukhang gahol tayo sa oras sa pagpasok sa control room kaya mauuna na kami nina kate at siguro mga 10 ng gabi ay handa na kayo," pagsagot ko.
"Ilang chance naman na magtatagumpay tayo?" Tanong ni Royce.
"It's definitely 100% kung makikipag-cooperate ang lahat, at isa pa kung wala kang ambag sa gagawin baka malagay sa piligro ang buhay mo," sabi ni Sachi.
"I suggest na magdala ang bawat isa ng kani-kaniyang lighter o posporo," sabi ni Ayesha.
"Tama at isa pa kahit anong mangyari wala kayong pagsasabihan ng plano natin o ng kahit anong tungkol dito sa iba," sabi ni Gavreel.
"Alam kong mahal natin ang paaralan na 'to pero kailangan natin itong gawin para sa mga buhay natin," sabi ko
"Sa ngayon ay hayaan n'yo muna ang mga sarili n'yo na mag-enjoy sa ilang oras bago ang plano natin kaya 'yun lang at maraming salamat," dagdag ko pa.
Matapos ang usapan namin ay kani-kaniyang alis na kami para makapag-celebrate kasama ang aming mga pamilya.
Gaya ng nakasanayan ng pamilya namin ay kina Gavreel kami mag-cecelebrate ng sama sama.
Kate's P.O.V
Hindi ko siguro kung napansin nila yung babae kanina sa ceremony. Sadyang napukaw nya ang atensyon ko at kung hindi ako nagkakamali ay sigurado akong si Anika 'yon. Base sa presence nya at tindig nasisigurado ko 'yon ngunit ang tanong ko ay bakit kailangan niyang pumunta sa Graduation namin.
"Kate? Are you okay? Is there something bothering you?" pagtatanong ni lance sa akin.
"Ahh Lance wala kabang napansing kakaiba kanina?" pagsagot ko.
"Kakaiba? Kanina?" naguguluhan niyang tanong.
"Oo, kaninang graduation hindi ako sigurado kung totoo bang nakita ko si Anika pero parang may kakaibang mangyayari dahil sa kaniya," pagkukwento ko.
"Alam mo ba nakakakita ka lang ng mga bagay bagay gaya niyan dahil marami kang iniisip," pagsagot niya.
"Siguro nga," pagsang-ayon ko sa sinabi niya.
"Ahmn Kate?" pagtawag niya sa akin.
"Would you mind kung iimbitahan kita pumunta sa'min mamaya?" nanginginig niyang tanong.
"Ahmn... For what? Anong meron?" pagtatanong ko.
"Gusto ka kasing makilala nina Mommy kaya naisipan ko na kung sakali kahit konting oras lang," nahihiya niyang sabi sabay kamot sa kaniyang batok.
"Seryoso ba? Are you asking me to be your girlfriend?" natatawa kong tanong.
"Yes, I know it seems weird or you might not believe me but Kate... I like you since that day you save that cat," pagtatapat niya ng kaniyang nararamdaman sa akin.
"Stalker ka ba? Ang alam ko mag-isa lang ako nung oras na 'yon," pagsagot ko.
"Ang totoo ay ako dapat ang kukuha sa pusa pero hindi ko abot kaya naisip kong kumuha ng panungkit ng prutas para makuha 'yon pero pagbalik ko ay nakita na kitang umaakyat sa puno kaya naisip ko na mas maangas kapa kaysa sa akin," pagsasalaysay niya sa nangyari.
"Niloloko mo ba ko?" seryosong tanong ko sa kaniya.
"Kate, wala akong masamang intensyon o balak sa'yo. Gusto kita at kung bibigyan mo 'ko ng pagkakataon patutunayan ko 'yon sa'yo," sabi niya sa akin habang nakatitig sa'king mga mata.
"Fine, pero 'di ko sinasabi na kaya kong suklian 'yang pagmamahal mo," pagsagot ko.
"So, that means? Pupunta ka mamaya?" tanong niya.
"Pupunta ako kung mapapapayag mo si Mama kaya kailangan mong pumunta sa amin para sunduin ako," pagsasabi ko ng kundisyon.
"Sure, anong oras ba?" tanong niya.
"I'm ready at 6:00 P.M and remember I hate being late on time kaya pag na-late ka hindi na ako sasama," paliwanag ko.
"Noted po boss," sabi niya sabay ngiti sa akin.
Nagpaalam na siya sa akin dahil tinatawag na siya ng magulang niya at agad naman ako pumunta kay mama para maka-uwi na kami.
"Ano namang pinag-usapan niyo? Mukhang seryoso ah," pag-uusisa ni mama.
"Ma, binati lang po namin ang isa't isa 'yon lang po at wala ng iba," pagsagot ko.
"Nako, 'wag ako naging bata rin ako at napagdaanan ko na 'yang mga ganiyan," pangungulit niya.
"Bahala po kayo kung anong iniisip n'yo basta ako naka-focus ako sa pag-aaral ko," sabi ko.
"Pero bakasyon na 'di ba?" patuloy niya sa pangungulit.
"Mama naman para kayong baliw," natatawa kong sabi.
"Oh siya sige na, kunwari naniniwala akong usap lang," sabi niya at saka kami nagtawanan habang pasakay sa sasakyan.
Habang nasa byahe kami pa-uwi ay 'di maiwasang ma-isip 'yung nangyari dati na pagkuha ko sa pusa na 'yon.
"Sabi ko na e, kaya ayokong maniwalang usap lang," biglabg singit ni Mama.
"Ma naman," natatawa akong kong sabi.
"Nako nak, ayos lang naman sa akin na magnobyo ka ayoko namang tumanda kang mag-isa at gusto ko ring magkaroon ng apo," sabi niya.
"Mama ang bata ko pa para sa mga ganiyang bagay," pagsagot ko.
"Ahh basta gusto kong maranasang magkaroon ng apo bago ako mawala," pahabol pa niya.
Huminga na lamang ako ng malalim at hindi na sumagot. Pumasok sa aking isipan ang huling sinabi ni mama. Pero paano kung mas mauna ako sa kaniya na mawala sa mundong 'to.
Ilang minuto pa ang nakalipas ay nakarating na kami sa bahay. Agad naman akong nasurpresa sa pa-banner at mga lobo ng mga kasamahan namin sa simbahan. First time kong maranasan ang supresahin kaya't hindi ko alam kung anong reaksyon ang dapat kong ipakita ngunit agad akong ngumiti sa kanila at nagpasalamat.
Inanyayahan naman ni Mama ang lahat para pumasok sa loob at makakain ng sabay-sabay. Tumuloy naman ang bawat isa at sadyang kakaiba ang nararamdaman ko ngayong araw.
Lumipas ang ilang oras ay patuloy pa rin ang pagdating ng mga bisita ni mama sadyang palakaibigan talaga ang mama ko at kahit sa kabilang ibayong lugar ay mayroon siyang kakilala. Habang nag-uusap usap ang mga tao ay may tumabi sa akin sa pagkakaupo ko sa sala.
"Hi, congrats pala sa'yo. I'm Ian Ferrer," Pagbati niya sabay abot ng kaniyang kamay.
"Salamat," sabi ko sabay ngiti sa kaniya.
"Ang ganda mo naman at saka ng mga ngiti mo," Pagpuna niya.
"Ganoon ba? Sige salamat," pagsagot ko at saka muling bumaling sa pagkain ang atensyon ko.
"Ang cold naman ng reply mo, gusto ko lang naman makipagkilala," Pagsasaad niya ng kaniyang damdamin.
"Pasensya kana ah may boyfriend na kasi ako at papunta siya dito ngayon ayoko lang na mag-away kami," Sabi ko sa kaniya.
"Wala pa naman siya rito hindi ba? At saka gusto ko lang makipagkaibigan," Pagsagot niya.
"Pasensya kana bro, pero you're crossing the line. Kung ako sa'yo pumunta kana sa mama mo at tigilan mo na yung girlfriend ko," Isang pagbabanta na narinig ko mula sa aking likuran.
Agad akong napatingin para tignan kung sino 'yon at nagulat ako ng makita ko si Lance na mukhang galit at nakatingin sa lalaking nasa harapan ko.
"L-lance andito kana pala ahm... ano a-aalis na ba tayo? Paalam muna tayo kay mama," natataranta kong sabi.
"Actually, naka-usap ko na si tita bago ako lumapit sa'yo at pumayag naman siya," sagot ni lance sa akin.
"Sabi ko na e, dalaga kana talaga anak kaya 'di ako naniniwala sa mga patangi tangi mo kanina," singit ni mama na nasa likuran ko rin pala.
"Tita hiramin ko muna si Kate ah," sabi ni Lance.
"Nako kahit 'wag mo na ibalik," pagbibiro ni mama.
"Mama, matakot ka po nga sa mga sinasabi mo," sabi ko.
"Biro lang ano kaba at saka hindi ba BOYFRIEND mo naman 'yan," pagbibiro niyang muli.
"Alam mo Lance siguro kailangan na nating umalis, aalis na po kami ma," pagpapaalam ko.
"Oh siya mag-iingat kayo, Lance 'yung pangako mo sa akin ha," pagbibilin ni mama.
Sasagot palang sana si Lance ng hilahin ko na siya palabas ng bahay dahil nakapagpaalam na rin naman kami kay mama.
"Nagmamadali ka naman ata? Excited ka bang makilala mga magulang ko," natatawa niyang sabi.
"Bakit 'di ka man lang nagsabi na nasa bahay kana," pagrereklamo ko.
"Surprise!" Nakangiti niyang sabi.
"Nakakainis ka!" sabi ko sabay irap sa kaniya.
Agad akong lumapit sa kotse niya at binuksan ang pinto nito para makaupo na dahil naiinis talaga ako sa nangyari.
"Hey! I supposed to open the door for you," sabi niya habang nakangiti.
"I hate romance, sorry." Sabi ko sabay pasok sa loob ng sasakyan.
Pumasok na rin siya at saka pinaandar ang makina ng sasakyan. Tumingin siya sa akin at nakipagtitigan naman ako.
"Bakit 'di mo sinabi sa akin na boyfriend mo na pala 'ko," nakangiti niyang sabi.
"Pwede ba sinabi ko lang 'yon kasi wala ako sa mood makipag-usap," pagdepensa ko sa sarili ko.
"Pede naman natin totohanin hindi ba?" Pang-aasar niya.
"Wala ka pang isang araw na nanliligaw at isa pa wala pa rin akong kahit konting feelings para sa'yo," sabi ko.
"Grabe ang sakit naman non pero anyways I'll make you fall inlove with me. Mag-antay ka lang darating 'yung araw na mamahalin mo rin ako ng sobra," sabi niya.
"Medyo korny pakinggan kaya paandarin mo na 'yung sasakyan para makarating na tayo sa inyo agad," sabi ko naman sa kaniya.
Ngumiti naman siya sa akin at saka pinaandar ang sasakyan. Tahimik lang ako habang nasa byahe kaming dalawa at iniisip ko ang mga maaaring mangyari mamaya sa gagawin naming mission. Sa nakalipas na ilang araw mas tumitindi ang mga misyon na natatangap namin at kadalasan sa mga ito ay kailangang gawin bilang grupo. Gaya nalang nitong misyon namin para sa araw na ito at 'yun ay ang sunugin ang school.
Alive:37 Dead:8