Leandro's P.O.V Lahat kami ay maagang nagising dahil sa sigaw ni Faith kaninang umaga. Tumaas lalo ang lagnat ni Gavreel kaya naman tumawag na kami ng ambulance para sunduin kami rito at dahil sa ospital. Kasalukuyan naman kaming patungo pinaka malapit na ospital kung saan din ako dinala noong nakaraan. "Mukhang nabigla ng sobra ang katawan niya sa nangyari," biglang sabi ni Faith dahilan para mapatingin kami sa kaniya. "Nanginginig ang kamay niya kahit natutulog siya," dagdag naman ni Sachi. Nang makarating kami sa ospital ay agad siyang dinala sa emergency room at dumiretso naman ako sa nurse para itanong kung nasaan si Doc. Warren na susuri sa aking kalagayan. Sinabi naman nito na dumiretso lamang ako sa hallway at saka lumiko sa opisina nito. Agad ko namang sinunod anh payo at ini

