Leandro's P.O.V Mabilis kaming kumilos at gumawa rin kami ng plano gaya ng ginagawa nina Kate. Kumuha kami ng mga gamit na maaari naming maging panlaban sa kanila. Dala dala ko naman ang isang baseball bat na nakita ko sa ilalim ng lababo at ang iba naman ay mga bakal at kutsilyo. "Kung sumugod kaya tayo ng sabay sabay sa kanilang dalawa?" Pagtatanong ni Faith. "Hindi 'yon maaari magkakasakitan lang tayo," pagsagot ni Reiz. "Hindi ba't ganoon naman talaga ang mangyayari kahit anong gawin natin," sabi ni Faith. "Kami na ang unang susugod nina Gavreel at susuporta naman kayo kung sakaling kailanganin namin ang tulong niyo," pagpapaliwanag ko sa plano. Waring susugod na sana kami ng makita namin si Anika na nag-iisa at walang kasama. Nakangiti lang ito sa amin at habang hawak hawak a

