Shane Maaga pa lang ay umalis na si Hayden hindi na ako nakatulog ulit dahil hinihintay ko ang pag-gising ni mommy. Nandito ako ngayon sa sala umiinom ng kape nakatanaw sa labas, malamig ang panahon ngayon dahil umulan. Nang makita ko si mommy na pababa na ng hagdan ay mabilis ko itong sinalubong. “Good morning anak.” sabay halik ni mommy sa aking noo. “Good morning, mom, puwidi ba kitang makausap kahit saglit lang?” napatingin si mommy sa akin, sabay tango nito. Sumunod ako kay mommy papunta sa library, pagbukas nang pinto ay agad niya rin ito sinarado. “Mommy, gusto kong malaman kung saan ka galing kanina. Mom, please ayoko ko po na magsinungaling ka’yo sa akin its been two nights na nakikita ko ka’yo parating late na umuuwi. Sino po ang katagpo ninyo? May lalaki po ba ka’yo? Hindi m

