Shane Ang bilis nang panahon halos hindi ko namalayan ang paglaki ng aking tiyan. Limang buwan na ang pinagbubuntis ko, marami man ang pinagdaanan namin ni Hayden ay nalampasan namin lahat iyon. Masaya at tahimik ang aming buhay dito sa Davao, simula ng umalis kami sa mansion ay hindi na gumawa ng gulo si Raya. Ang sabi ni mommy nasa USA raw ito kasama ang kanyang Daddy Edward. Sana nga ay magbago na siya at sana maging maayos na ang buhay niya. Parang bigla akong nagutom ng may naamoy akong pagkain mula sa kusina. Ang bango hindi ko matukoy kong anong pagkain iyon basta gusto ko siyang matikman. Nagmamadali akong lumabas ng silid at tinungo ang kusina. Nang makita ako ni Hayden ay agad niya akong sinalubong, mabilis nitong hinalikan ang aking labi. “Nagluto si lola ng pabirito mong

