Hayden Pagsapit nang hapon ay bumaba ako, mahimbimg ang tulog ni Olla kaya naman iniwan ko ito sa aming silid. Dumiritso ako sa playroom ngunit wala sina Lyn at Hera, naisip ko baka bumaba sila sa sala kaya bumaba na rin ako. Pagdating ko sa sala ay nakabukas ang malaking TV. ngunit walang tao. Napatingin ako sa laruan ni Hera na nakapatong pa sa mesa. “Lyn!” tawag ko dito ngunit walang sumasagot nagmamadali akong lumabas. At nakahinga na lamang ako nang maluwang ng makita ko si Hera at Lyn na naglalaro sa damuhan. “Lyn!” malakas kong sigaw nakita ko na hawak ni Raya si Hera at nakikipaglaro ito sa anak namin. “Lyn, kanina ko pa ka’yo hinahanap? Bakit nandito ka’yo? Lyn, pumasok na ka’yo ni Hera dalhin mo na siya sa kanyang kuwarto.” utos ko kay Lyn na mabilis naman itong sumunod.

