Hayden Hinahaplos ko ang buhok ni Olla habang mahimbing itong nakatulog sa aking bisig. Pagpasok namin dito sa kuwarto ay nag-usap kami tungkol sa nangyari doon sa hapagkainan. Humingi ito ng sorry sa akin hindi raw niya napigilan kaya nakapagsalita siya ng ganun. Naiintindihan ko naman si Olla, kaya pinayuhan ko ito kung ano ang dapat nitong gawin. At mabuti na lang ay nakikinig ito sa mga sinasabi ko, nasa tabi namin si Hera na mahimbing rin ang tulog. Si daddy muna ang bahala sa mga pina-asekaso ko ayaw ko naman maiwan si Olla dito sa mansion na siya lang mag-isa lalo pa’t narito si Raya baka maulit ang pangyayari noon. Napatingin ako sa aking phone nang makita ko ang messages ni Daddy Anton ay napa-isip ako kung ano kaya ang sadya nito sa akin. Hating gabi na at gusto pa niya akong m

