Hayden Nagising ako sa ingay ni Hera nagsasalita ito, imbis na gusto pa sanang matulog ay nawala ang antok ko dahil sa sinasabi nito. Bumangon ako at binuhat ko ito, natuwa ako sa sinasabi nito. “Papa, papa!” ang salitang lumalabas sa kanyang bibig napangiti ako agad ko itong dinala sa banyo upang bihisan ang kanyang diaper. Napatingin ako sa aking pambisig na relo hapon na pala hindi ko man lang namalayan ang pagbangon ni Olla. Napapangiti ako dahil ang kulit talaga hindi niya matiis na nakatunganga lang gusto niya talagang tumulong sa mga gawaing bahay. Pagkatapos kung linisan si Hera ay binihisan ko na ito, naglagay ako ng powder sa likod nito at winisikan ko rin ng baby cologne. Ito ang gusto ng mommy niya palaging mabango ang anak namin. Buhat ko si Hera pababa, dumiritso kami ng

