Hayden “Love mag-ingat ka.” bilin sa akin ni Olla inayos pa nito ang aking sout na damit at nilagyan pa niya ng pabango. “La, iyong bilin ko po.” simula ng dumating kami dito ko na pinatira si Lola Amy sa bahay. Ilang metro lang naman ang layo ng bahay ni Uncle Alex sa bahay namin kaya kapag aalis ako ay pinakiusapan ko si uncle na bantayan ang mag-ina ko. “Apo, matanda lang ako pero hindi pa ako ulyanin, hindi ko makakalimutan ang bilin mo.” napangiti tuloy ako lumapit ako kay Lola Amy upang halikan ito sa kanyang noo. “Iyong bilin ko rin, baka mamaya makalimutan mo rin.” ani lola, kahit kasama namin si Lyn ay kumuha pa rin ako ng tagalinis at tagaluto upang may katuwang sila dito sa bahay. Ayokong mapagod ang aking asawa, kaya naman hanggang kaya ko silang sahuran ay magdagdag ako ng

