Kabanata Dalawampu’t Anim "Nasa ospital ka? So, it's true? Buntis ka? Binuntis ka ng gagong 'yon?!" galit na sigaw nito sa kanya mula sa kabilang linya. "Ha?? Ano'ng buntis? Sino ang nangbuntis?" nagtatakang tanong niya. "Ikaw. Saang ospital 'yan? Pupuntahan kita," tanong nito sa kanya. "Paalis na ako rito eh, pabalik na rin ako sa office. Teka nga, ano bang nangyayari?" naguguluhang tanong niya rito. "Huwag ka munang bumalik sa opisina ninyo. Malamang dumog na naman ang media ro'n," bilin nito sa kanya. "Bakit nga? Ano ba ang mayro’n? Bakit mo sinasabing buntis ako?" naiinis na tanong na niya "Go check the internet. Search your name. Magkita na lang tayo sa Café Bruno," bilin nito sa kanya. Tinapos ni Marcus ang tawag kahit hindi pa man siya sumasagot. Sinunod naman niya ang sina

