Kabanata Tatlumpu’t Isa "Kaninong bahay 'to?" tanong ni Victoria habang naglalakad siya pababa ng hagdan at inililibot ang tingin sa buong kabahayan. "Kina Buknoy at Caloy. Wala pang ibang nakakapunta rito bukod sa amin at sa’yo," mabilis nitong sagot. Tumango-tango naman si Victoria at muli pang nagtanong. "Sobrang yaman niyong tatlo. Alam mo, minsan napapaisip ako kung legal ba ang negosyo ninyo?" nakatawang pang-aasar niya rito. Nginitian lang din siya ni Marcus. "Legal lahat ng mga 'yon. Bawal sa akin ang ilegal, Victoria. Tumakas nga kami sa dati naming buhay para itama ang lahat eh," tugon nito sa kanya. Napatitig naman siya sa mukha ni Marcus at napaisip. Nakarating na sila sa likod na parte ng bahay na 'yon. "Bakit hindi mo na sinasabi sa akin ngayon ang sinabi mo noong unan

