Kabanata 11 "Hi. I'm Allysa." Tiningnan ni Alexa si Alyssa na masayang naka ngiti sa kanya na para bang walang mali na naroon ang babaeng yun sa mismong pamamahay nila. Gusto niyang bunutin ang Mt. Everest at ipakain sa babaeng ito. Gusto niyang sampalin ng Durian at ipalapa sa mga butiki ang katawan nito. "Hi. I'm Alexa. Bakit nandito ka sa bahay namin? A-anong ginagawa mo rito?" naiilang na tanong nito sa dalaga. Hindi niya naman matandaan kung pinsan ba to o kaibigan ni Asher. Nanatili itong nakatingin sa dalaga habang hinihintay ang sagot nito. "Yea. I know you. Alexa." saka ngumisi ito. Nagtaka naman si Alexa sa inasta ng babae sa harap niya. Nakakaloko itong nakangiti sa kanya. Parang tinatapakan ang p********e niya. 'Anong gustong ipagmalaki nito sa kanya? Para bang may alam siya

