At that thought, I thought I will finally end the misery. Naririnig ko na nagsisigaw si Ate Kristine sa tapat ng pintuan. Napukaw niya ang atensyon ng mga kasambahay na iba. Naglakad din palapit si Mom at nanlalaki ang kaniyang mata. Inangat ni Ate Kristine ang paa ko para hindi ako masakal ng tuluyan sa lubid. Pinagtulungan ako ng mga kasambahay na maialis sa lubid. Hanggang sa hiniga ako sa kama habang hinahabol ko ‘yung paghinga. It was so near to finally grasping freedom. I will finally be a bird who will fly freely in the sky but it didn’t happen. Sapo sapo ni Ate Kristine ang noo ko. “Huwag mo ako takutin ng ganiyan, Cadence!” Ate Kristine exclaimed. “Kapag hindi mo na kaya, magsabi ka lang sa akin. Sasamahan kita kapag may problema ka.” “I-I’m good,” I assured. Nilingon ko ang

