Camella/ Code Red POV Training Andito ako ngayon sa underground ng bahay ni leo, akala ko ay mahirap si leo ngunit nagkakamali ako dahil mayaman pala ito, ang sabi ay malaki rin raw ang naitulong ko sakanya. Hindi ko man maalala ang ginawa ko ay magaan naman ang pakiramdam ko ng makita kong maayos ang kanyang lagay. “Boss, noong ikaw ang nagturo sakin ay kulang nalang maiyak ako dahil sa hirap na pinaranas mo sakin, pero ngayon hindi man ganon kahirap ang ipapagawa ko ay patawarin mo sana ako.“ pagsasalita nito habang may hawak ng mga maliliit na kutsilyo. Hindi pa nga ako nakahanda ay agad na nitong pinalipad ang mga maliliit na kutsilyo patungo sakin, “f**k you leo!” sigaw ko at agad na iniwasan ang mga kutsilyo na binabato nito sakin. “Double time boss! Mabagal ka!” sigaw nito at w

