~Migs~
“Huy sabihin mo na kase, bakit mo nasabing 3rd kiss na natin yun.” Pangungulit ni Cheska , kanina pa siya tanong ng tanong at sa tingin ko ay hindi niya ko titigilan.
Naroon parin kami sa ilalim ng puno, nakasandal siya habang ako naman ay nakahiga sa mga hita niya.
“Pang 3rd naman na talaga yon.”sagot ko habaang nilalaro ang maliliit niyang mga daliri.
“Paano nangyari iyon, kelan yung 1st and 2nd?”
“Nung first time na natulog ka kabang magkayakap tayo,hinalikan kita habang natutulog ka.”
“So yon pala 1st kiss natin,bweset ka magnanakaw ka.” Nakasimangot niyang sabi na may kasama pang kurot.
“May masama ba don mahal ko naman yung ninakawan ko ah.” Seryoso kong wika habang nakatingin sa mga mata niya.
“Oo na, dali yung 2nd, don’t tell me nakaw din yun.”
“Hindi ko intensyon magnakaw ulit , nagkataon lang nay un yung time na unti unti na kong nawawala.Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko natatakot ako na magkahiwalay tayo kaya naisipan kong halikan ka kahit man lang sa huling sandal.”
Totoo iyon, natakot ako ng oras na iyon.Ayaw ko mawalay sa kanya, dahil mahal na mahal ko siya.
“Kahit na magnanakaw ka pa rin.Ang daya mo yung 1st kiss ko nakaw tapos tulog pa ko.” Inis na inis niyang wika na lalo kong kinangiti.
“Ngiti ka dyan?” mataray niyang tanong
“Wala masaya lang ako,dahil ako pala ang 1st kiss mo.”
Bigla siyang natahimik sa sinabi ko,lalo lamang siyang namula.
“Uy nagba blush siya.” Tumatawang asar ko.Namiss ko siyang asarin, lalo na kapag naiinis na siya.
“Heh!Ewan ko sayonmagnanakaw!”
“Masama lang loob mo kase tulog ka ng halikan kita hindi mo tuloy nafeel.” Pang aasar ko pang muli
“Kapal mo naman, feeling mo naman gusto kong mahalikan ng isang magnanakaw.Kung gising lang ako non hindi ako papahalik sayo no.”
Bigla akong napabangon dahil sa sinabi niya.Seryoso ko siyang tinitigan sa mga mata.Kita ko ang kaba at takot sa kanya.
“Migs ga-----,” Hindi ko na hinayaan ituloy niya ang sasabihin niya sapagkat hinalikan ko agad siya sa mga labi.Banayad lamang nung una,ngunit lumalim ito at aaminin kong hindi ko napigilan anng sarili ko.Kapwa kami hinihingal ng bitawan ko ang mga labi niya.
“Akala ko ba hindi mo gusting pahalik sa magnanakaw na tulad ko?Bakit parang nagustuhan mo yung ginawa ko?” nakangiti kong asar sa kanya
“Bweset ka talaga Migs.” Inis niyang sabi at hinampas na naman ako.Alam kong tinatago lamang niya ang hiyang nadarama kaya natutuwa akong asarin siya.
Patuloy siya sa paghampas sakin at patuloy lang ako sa pang aasar sa kanya na sinabayan ko ng pagtawa.Nang mapagod ako ay hinawakan ko ang mga kamay niya upang pigilan at hiniga siya.Ngayon ay nakadagan ako sa kanya habang ang kanyang mga kamay ay hawak ko sa taas ng kanyang ulo.Natahimik siya sa ginawa ko at nahihiyang nakatingin sa mga mata ko.
“Wag na wag mong saabihin na nakaw lang iyon dahil napaka importante non sakin.That kiss was from the only girl that I loved.At isa pa simula sa araw na ito, hindi nakaw ang mga halik na gagawin ko dahil mula nagyon sa akin na ang mga labi mo, sa akin lang at wala ng iba.” Wika ko at saka siya hinalikan sa noo.
“Ano sasabihin mo pa ulit yon?” tanong ko
Kapwa kami nakahiga ngayon sa ilalim ng puno at magkahawak ang kamay.
“Nasabi ko lang naman iyon dahil nang iinis ka.Syempre ikaw lang naman gusto kong humalik sa akin.”
“Bakit?”
“Eh syempre.”
“Bakit nga?”
“Eh syempre mahal kita.” Nahihiya niyang amin
Napangiti ako ng marinig ko mula sa kanya na mahak din niya ako.Sobrang saya pala ng pakiramdam,na mahal ka din ng mahal mo.Parang musika sa aking pandinig.Musikang kaytagal ko ng inasam na marinig.
Napabangon ako ng bigla na lamang bumangon si Cheska at nakasimangot na inirapan ako pagkatapos ay naglakad palayo.Dali dali akong tumayo upang sundan siya.
“Hey saan ka pupunta?” nagtatakang tanong ko
“Wala kang pakialam!” pagsusungit niyang sagot
Doon ko narealize na hindi ko pala nasagot ang sinabi niyang mahal niya ko.Sa sobrang saya ko ay hindi pala ko nakapgsalita.Marahil ay iyon ang kinaiinis niya, knowing Cheska ,sadista na matampuhin.Nang abutan ko siya ay hinila ko siya paharap s akin saka hinalikan sa noo.
“I love you too.” Malambing kong wika
Napangiti na siya at saka ko siya niyakap.
“Ah Migs , maalala ko ano nga pala ang pangalan mo?I mean sino kaba talaga, diba ako lang naman ang nagbigay ng pangalan mong Migs?”
Hindi ko siya sinagot at sa halip ay nahiga na ulit sa mga hita niya.Naroon ulit kami sa ilalim ng puno.
“Huy yung tanong ko.”
“Miguel Sandoval.” Matipid kong sagot
“Really?Nice ah, tamang tama pala ang Migs eh.” Natutuwang sabi niya
Napangiti na lamang ako at nanatiling nakapikit.Wala parin talaga siyang idea, hay nako buti nalang mahal ko to.
“Uy Migs bangon kana kailangan ko ng bumalik sa mansion.” Rinig kong sabi ni makalipas ang ilang minuto
“Maya na wala pa akong pahinga,let me rest for a while.” Sagot habang nanatiling nakahiga.Bukod sa gusto ko pa siyang makasama ng matagal dito ay gusto ko na rin magpahinga muna.
“Eh Migs naman bangon na mapapagalitan ako.” Pangungulit niya.Napilitan na akong bumangon.
“Tara na nga, napaka sadista mo talaga.”
Inalalayan ko siyang tumayo at magkahawak kamay kaming naglakad pabalik sa mansion.
“Bakit na naman?” taking tanong pa niya
“Kita mong pagod ako hindi mo man lang ako pinagpahinga.”
“Eh sorry naman,don ka nalang magpahinga sa kwarto ko.”
“Sabi mo yan ah.” Natutuwang sambit ko.
“Oo nga.”
Mabilis ko na siyang hinila pabalik sa mansion.Dumidilim narin kayat tama lang na umuwe na kami.Mamaya na lang ako magpapahinga kapag nagawa ko na ang dapat kong gawin.