Gaya ng napag usapan ay hindi pinigilan ni Cheska ang sarili na maging masaya.Hinayaan lang niya ang magandang pakikitungo nila sa isat isa ni Migs.Naging masaya nga siya sa paglipas ng mga araw kahit pa sa mga simpleng pangyayari sa pagitan nila.
Subalit tila dumating na ang kinatatakutan ni cheska ang paglisan ni Migs sa kanyang tabi.Nakasanayan na niya na si Migs ang unang nakikita pagkagising pa lamang sa umaga.Subalit isang araw ay hindi niya ito makita, hinanap niya ito sa buong mansion at maging sa buong villa subalit hindi niya ito nakita.
“Migs asan ka na ba?Siguro naggala ka na naman.”nalulungkot na sambit ni Cheska ng hapoan na ay hindi parin bumabalik si Migs
Kinakabahan na siya sa mga nangyayari.Ang dami niyang naiisip na dahilan ng pagkawala ni Migs.Iniisip niyang marahil ay naroon lamang si Migs at kaya hindi niya ito makita ay tapos na ang oras na binigay sa kanila.Naisip din niya nab aka tapos na ang oras nito sa lupa at kailangan na nitong umalis ng tuluyan.
“Migs wag ka namang ganyan, hindi ito magandang biro.” Bulong niya habang naroon siya sa labas at hinihintay ang pagdating ni Migs.
Subalit kahit anong sabihin niya at gawin ay hindi parin nagpapakita si Migs.patuloy siyang naghihintay at umaasang isang araw ay may makulit na multo ang muling magpapapansin sa kanya.
Mula ng mawala si Migs ay palagi ng malungkot ang paggising niya sa umaga.kaya ganon na lamang ang gulat at tuwa niya ng makita ang nakangiting si Migs na nakaupo sa tabi niya.
“Namiss mo ko no?” pang aasar pa nito ng bigla siyang niyakap ni Cheska
Mabilis namang bumitaw ang nabiglang dalaga at sa halip ay pinaghahampas si Migs.
“Saan k aba nagpunta?bakit ngayon ka lang bumalik?” inis na tanong niya habang pinaghahampas ito
Nakangiti lamang si Migs habnag sinasalo ang lahat ng hampas ni Cheska sa kanya at hinihintay na mapagod ito.
“Nakangiti ka pa talaga dyan!” inis na wika ni cheska matapos paghahampasin si Migs.
“Ang sungit mo naman, masaya lang ako kase kasama na kita ulit.” Sagot naman nito
Napawi naman ang lahat ng inis at sama ng loob ni Cheska sahil sa mga binitawang salita nito.
“Ano ba kseng nagyari?Saan kaba nagpunta?”
“Nung araw na nawala ako nandon ako sa hardin kumukuha ako ng mga bulaklak na ibibigay ko sana sayo pagkagising mo ng bigla na lamang akong nawala.” Pag sisimula nito
“Eh saan ka naman nagpunta?”
Bigla na lang akong napunta sa lugar na puro puno, hindi ko alam kung saang lugar yon.Naglakad lakad ako hanggang sa makarating ako sa isang mahabang kalsada.Hahanapin ko sana ang daan pabalik dito pero bigla na lang nagkaroon ng aksidente.”
“Ha?Anong klaseng aksidente?” hindi mapigilang tanong ni Cheska
“Mabilis ang mga pangyayari,basta nakita ko na lang iniwasan nung kotse yung truck kaya bumangga ito sa mga puno.”
Bigla na lamang naging malungkot ang itsura ni Migs matapos magkwento
“Migs bakit, anong problema?”
“Nang tingnan ko yung sakay nung kotse, nakita ko ang sarili ko.”
“Gayon na lang ang gulat ni Cheska sa narinig,hindi niya alam kung anon ang dapat sabihin.Namalayan na lamang niya ang sarili na yakap si Migs.
“Gusto ko pa sanang malaman kung anong nangyare,kung wala bang tumulong sa amin nung mga kasama ko at kaya ako namatay pero bigla na lamang ako nawala ulit at napunta sa mahabang daan pauwi dito,” lumuluhang wika ni Migs.
Hinigpitan lang ni Cheska ang yakap kay Migs at hindi na rin napigil ang pagluha.Hinayaan na muna niyang lumuha si Migs at nang kumalma na ito ay saka lanng siya nagsalita.
“Yun pala ang nangyari sayo, nakakalungkot naman pala ang kinamatay mo.”
“Hindi pa malinaw sakin ang lahat.”
“Anong ibig mong sabihin?”
“Hanggang ngayon wala parin akong maalala,yung nangyaring pagkawala ko isa lang yong pagpapakita sa akin ng nangyaring aksidente.”
“Kung ganon hindi pa pala bumabalik ang alaala mo.”
“Oo ganon na nga at pilit ko mang alalahanin wala talaga,hindi ko kaya.” Naiinis nitong sagot
“Wag mong pilitin Migs, maaalala mo rina ng lahat.Ang importante , ngayon alam mo na ang kinamatay mo.”pag aalo ni Cheska kay Migs.
Ngumiti na lamang si Migs at muli siyang niyakap ni Cheska.Masaya si Cheska sa muling pagbabalik ni Migs ngunit hindi niya maiwasang malungkot dahil sa mga nalaman.Naawa siya kay Migs dahil sa sinapit na kamatayan lalot kitang kita sa mga mata nito na nahihirapan itong tanggapin ang kanyang pagkamatay.
Sinubukan ni Cheska na pasayahin si Migs kahit pa alam niyang pinipilit lamang nito na maging masaya sa harap niya.ganon pa man makalipas ang ilang araw ay bumalik na ulit ang dating masayahing Migs.Bumalik na ulit ang pangungulit nito kay Cheska at lalo pa silang naging malapit sa isat isa.
Subalit isang araw ay may kakaibang nangyari kay Migs.
“Hoy Migs tagal mo naman dyan, akala ko ba ipipitas mo ko ng manga?” sigaw ni Cheska kay Migs.
“Saglit lang pumipili pa ko.” Sigaw rin nito
Naroon sila sa isang bahagi ng villa, galing sa pagpasyal si Cheska sa sagingan at pauwe nang magpakuha siya ng manga kay Migs sa punong dinadaanan nila.Subalit naiinip na siya pero hindi paarin ito bumabalik at nanatili lamang na nakatayo doon.
“Bilisan mo na dyan baka gabihin tayo.”
“Oo nandyan na.” sagot ni Migs “Anong nangyayari bakit hindi ko mahawakan?” wika ni Migs sa sarili niya
Sinubukan pa ulit niyang hawakan ang manga subalit hindi siya nagtagumpay.Sa muli niyang pagsubok ay ipinikit na niya ang mga mata at nagconcentrate sa ginagawa.Napangiti siya ng mahawakan ang manga at mapitas ito.Nagmamadali na siyang lumapit kay Cheska upang makauwe na sila.
“Ang tahimik mo multo?” puna ni Cheska ng mapansing hindi ito kumukibo habang naglalakad sila pauwe
“Ha?may sinasabi ka?”
“Mukang malalim ang iniisip mo ah.”
“Ah wala to pagod lang to.” Pagsisinungaling nito
“Aba napapagod din pala ang multo.” Natutuwang sambit ni Cheska
“Syempre naman, dami mo kayang utos, baka nakakalimutan mo limitado lang kakayahan kong makahawak, kailangan ko pang magconcentrate.”
“Talaga ba, hindi ko alam na kailangan mo pag gawin yon.”
“Ganyan ka naman eh,wala kang pakialam sa akin.”
Napataas naman ang kilay ni Cheska dahil sa pagtatampo nj Migs
“Napaka arte mo talagang multo ka.”
“Tss talaga naman.” Waring pagtatampo pa ulit nito
“Huy hindi ah, kahit nga 1 and ½ month palang tayong magkaibigan at kahit ghost ka, I cared for you.” Sincere na wika niya
Napangiti naman si Migs at sa tuwa ay niyakap niya ito.
“One minute lang,ganito na muna tayo.” Hiling nito na hindi naman tinutulan ni Cheska at sa halip ay niyakap din siya.
Hinigpitan pa lalo ni Migs ang yakap niya at pagkatapos ay hahaplusin niya sana ang buhok nito subalit tulad kanina sa manga ay hindi na naman niya magawa.Inulit pa ulit niya at nagawa naman niya ngunit saglit lamang.Sa muli niyang pagsubok ay hindi na talaga niya nagawa kahit pa mag concentrate siya.Napansin din niyang unti unting tila naglalaho ang mga kamay niya na labis niyang kinatakot.
Siya na nga unang bumitaw sa yakap nila at pinilit niyang ngumiti sa harap ni Cheska.Sinubukan niyang wag ipahalata ang takot niya at nagpasyang ilihim ang nagaganap sa kanya.
“Uwe na tayo?” tanong ni Cheska
“Sige.”
Lumakad na ulit sila upang umuwe sa mansion at hanggang sa pagdating doon ay gulong gulo parin ang isip niya.