Chapter 2

1602 Words
~Cheska~ Hapon na ng magpasya kami ni Mang Karding umuwe,sa aming pag uwe ay hindi ako mapakali,pakiramdam ko ay may iba akong kasama bukod kay Mang Karding.Ang totoo niyan ay mula pa kaninang umaga ay may kakaiba na akong nararamdaman na hindi ko maipaliwanag.Tila lagging may nakasunod sa akin na kung ano ,subalit tanging si Mang Karding lang naman ang kasama ko.Kahit noong naroon ako at kasama ang mga tauhan ay hindi mawala ang kakaibang pakiramdam na ito. “Senyorita may problema po ba kayo?” tanong ni Mang Karding na siyang umagaw sa aking atensyon “Po, wala po,” “Kanina ko pa po kase kayo nakikita na lingon ng lingon sa likuran natin.” “Ok lang po ako.” “Ganon po ba, akala ko po ay may problema,kanina ko pa po kase napapandin na hindi kayo mapakali simula pa lang nung nagpunta tayo.” “Ah wala poi to,sige po tuloy na natin ang pag uwe.” Sinunod na lamang ni Mang Karding ang nais ko.Nabalik ako sa pag iisip, at ganon na lamang ang kaba ko ng maisip nab aka kung anong engkanto ang sumusunod sa amin.Sa huli ay napagpasyahan ko rin na wag na lamang isipin iyon at gumagawa pa ako ng ikakatakot ko. Pagkadating na pagkadating sa mansion ay naligo na agad ako at pagkatapos ay naghapunan.Kasalukuyan akong nagbabasa ng paborito kong aklat ng maalala kong may mga uwe nga pala kaming chico.Nagtungo ako sa kusina upang kuhain iyon.Pagkadating ko sa kusina ay inilabas ko mga chico mula sa ref. at hinugasan ang mga ito.Kumuha lamang ako ng apat at hinati ang bawat isa sa gitna,Nagtimpla na rin ako ng gatas at pagkatapos ay dinala sa aking kwarto. Ipinatong ko ang dala kong chico at baso ng gatas sa maliit na lamesang nasa gilid ng aking kama.Nang mang ring ang phone ko ay mabilis koi tong kinuha at sinagot.Si Louisa ang aking bestfriend ang tumawag.Masaya kaming nag usap at tumagal ito ng halos dalawangpung minuto. Nang magpasya akong bumalik sa aking kama ay nagulat ako ng Makita ang mga chico . “Bakit ganon, ang alam ko ay apat lang ang kinuha ko bakit dumami?”nagtataka kong tanong sa aking sarili. Napapailing na lamang ako nangyari at binalingan ko ang aking gatas.Muntik pa itong matapon ng abutin ko sapagkat napakalapit na nito sa gilid na ang tanda ko ay nilagay ko sa gitna ng lamesa. “Paanong napunta ito sa gilid ?” nagtataka kong tanong “Hay di bale na nga.” Hindi ko na lamang pinasin ang mga nangyari at sinimulang kainin an mga chico.Napangiti pa ko sa tamis ng ng mga ito, masarap talaga kapag hinog sa puno,matamis at hindi pilit. ………………………………. Kinabukasan ay maaga akong nagising at ang una kong napansin ay ang kumot na nakalagay sa akin.Napangiti na lamang ako at tumayo na upang maligo.Pagkaligo ko ay nagsuot lamang ako ng simpleng dress na above the knee ang haba.Lalabas na sana ako ng mapansin ang pagkaing nakahain sa aking lamesa. “Hay naku si yaya talga masyado akong bine baby.Hanggang ngayon ay kinukumutan pa rin ako at dinala pa talaga dito ang almusal ko.” Nangingiti akong lumapit sa aking almusal at sinimulan na ang pagkain.Nang matapos ako ay bumaba na ako at dinig na dinig ko ang boses ni yaya na tila may pinapagalitan. “Paanong nangyari na hindi niyo alam?Nilapag ko lamang dito iyon kanina.” Medyo malakas ang boses na tanong nito sa aming mga kasambahay. “Manang Celia hindi po talaga naming alam.” Gina “Yaya anong problem?” takang tanong ko “Senyorita nawawala kase ang hinanda kong almusal mo,nilapag ko lang kanina dito eh.” “Si Yaya talaga makakalimutin kana,diba po dinala mo sa kwarto ko.” “Ha?Hindi ah.” “Pero andon po sa kwarto,kumain na nga po ako eh.” “Hindi talaga ako,baka isa sa inyo ang nagdala.” Baling ni yaya kila ate Gina Nag ilingan naman ang mga ito na pinagtaka nila. “Naku yaya baka nakalimutan mo lang po na nadala mo na kanina.” “Hindi ako pwedeng magkamali,hindi ako ang nagdala.” “Hay naku ya, mabuti pa tara samahan niyo na lang po ako sa hardin.”natatawa kong wika saka hinila na si yaya Hanggang sa makarating kami sa hardin ay hindi parin makapaniwala si Yaya Celia kung paano iyon nangyari.Natatawa na lamang ako sa pagiging makakalimutin nito.Naupo kami sa mga upua na may katapat na lamesang bilog na naroon habang pinagmamasdan ko ang mga halaman ng aking lola.Napakaganda nilang pagmasdan, naalala ko pa kung paano ito alagaan ng aking lola.Kaya naman kahit wala na si lola ay pinagpatuloy ko at pag aalaga dito. “Hindi pa ko ulyanin ,sigurado ako na hindi ako ang nagdala non.”muling himutok ni yaya “Yaya kalimutan mo na po iyon.” “Hay mabuti pa nga,teka maiba ko ano bang balak mong gawin ngayon?Maglilibot kaba ulit sa buong villa?” “Balak ko pong pumunta sa ilog kasama po ang lahat ng tauhan natin dito.” “Sa ilog?Bakit?”nag tatakang tanong ni yaya “Doon po tayo magla lunch.Naisip kop o na maganda kung makapagbonding tayo.Saka rewards ko na rin po sa kanila.” “Abay maganda yan iha.” Natutuwang sagot nito. “teka muna at sasabihan ko sila.” “Sige po damihan nyo po ang pagkain ah.” “Sige ako bahala.” Umalis na agad si yaya upang maghanda kaya naman naiwan na akong mag isa.Isinandal ko ang aking katawan sa upuan at ipinikit ang mga mata. I feel better everytime I close my eyeand feel the cold and relaxing air.I did tha for only a minutes when suddenly I felt something cold that sticked on my cheek.I open my eyes and I saw one red rose on the table.I picked it and got curios to whom it came from. “Wala naman akong naramdamang ibang tao dito ah, kanino galing to?” nagtataka kong tanong sa sarili ko Tumayo ako at naglakad lakad sa hardin, pasimple ko pang inamoy ang bulaklak at napangiti sa isiping ang sweet ng taong may gawa noon. …………………………………….. Samantala excited naman ang mga tauhan ng villa ng ibalita ni Yaya Celia na magba bonding sila kasaa ang senyorita nila.Lahat ay masiglang hinanda ang kanilang mga gagamitin at dadalhin.Makalipas ang apat na oras ay nakarating na rin silang lahat sa ilog. Doon sila namalagi sa maliit kubo na may mga lamesa at upuang gawa sa kahoy nasa pangpang ng ilog Halos lahat ay naligo na habang si Cheska naman ay kinukuhanan ng picyure ang mga tauhan niya.She took a lot of pictures and she was surprised when she saw that there something strange in her picture. “What’s this?Bakit parang may kasama ako?”bulong niya na narinig pala ni Mang Karding “Naku senyorita baka po isa yan sa mga nakatira dito sa tabi tabi.” “Ano pong ibig niyong sabihin?” “Mga engkanto o lamang lupa po.Pero wag po kayong mag alala hindi kayo gagawan ng masama niyan.Marahil ay natuwa lang po sa inyo.” “Ganon po ba,sana nga po.” “Wag niyo na pong isipin yon, mabuti pa po ay tara na at managhalian na tayo. “Sige po.” Binaliwala na lamang ni Cheska ang takot na nadama at nakiusaya sa mga kasama.Bumulong na lamang siya at humingi ng pasensya sa mga engkanto kung nagambala nila ang mga ito.Matapos kumain ay muli silang naligo, kasama si Cheska.Ang lahat ay nagsaya at talaga naming sinulit ang pagligo sa napalinaw na ilog ng bayan nila.Hapon na nang umuwe sila sa mansion. Tulad ng dati ay naligo na muna si Cheska bago kumain ng hapunan at pagkatapos ay nagtuloy na sa kanyang kwarto.Hindi na muna siya natulog dahil maaga pa naman kaya nag f*******: na lamang muna siya.Nakadapa siya habang nakaharap sa kanyang laptop at abalang abala kaka facebook.Maya maya ay bumukas ang kwarto niya at naramdaman niya na may pumasok.Dahil nakatalikod ay hindi na siya nag abalang tingnan kung sino ang pumasok at inakalang si yaya Celia. “Ya, may kailangan po ba kayo?”Tanong niya na hindi man lang nilingon ang kausap “Kung itatanong niyo po kung may kailangan ako wag na po kayong mag alala bababa na lang po ako kung may kailangan ako.” Wika niya ulit subalit wala siyang sagot na narinig “Ya may problema po ba-----?” Hindi na niya naituloy aang itatanong ng pagharap niya ay wala siyang nakitang tao.Ganon na lamang ang pagtataka niya sapagkat sigurado siya na may naramdaman siyang pumasok at imposible naman na lumabas din ito agad dahil wala naman siyang naramdamang lumabas.Wala roon ang inaakala niyang yaya Celia sa halip ay isang basong gatas ang naroon sa table niya.Lalo tuloy siyang nagtaka kung paanong nag karoon ng gatas doon kung wala naming taong pumasok. “Ano bang nangyayari sa akin?Naeengkanto nga ba ako gaya ng sabi ni Mang Karding?” Sa takot ay hindi na ginalaw ni Cheska ang gatas na naroon.Iniligpit na agad niya ang laptop niya at nahiga na upang matulog.Pabiling biling pa siya sapagkat hindi maalis sa isip niya ang nangyari. Nadagdagan pa lalo ang kaba niya ng biglang pakiramdam niya ay may nagmamasid sa kanya.Ipinikit na lamang niya ang mga mata at sinubukang matulog.Sa paglipas ng oras at dala marahil ng kaba ay nakatulog na rin siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD