ELLYSE MARIE ROMANO-DEL PIERRO “Basically, the role of business is to produce goods and services which consumers need.” Kasalukuyan kaming nasa garden ng school ngayon ni Albie at nakaupo ng magkatapat sa pandalawahang mesa. Binabasa ko mula sa libro ang aming napag-aralan kanina sa Management. Alam ko naman na nakikinig si Albie sa binabasa ko dahil kung hindi, sasapukin ko siya ng malala. Maya-maya ay napatigil ako sa pagbabasa. Tumingin ako kay Albie. Akala ko lang pala na nakikinig siya dahil pagtingin ko sa kanya, ayun at tinulugan ako. Para akong tanga na basa nang basa sa pag-aakalang nakikinig siya iyon pala, napailing-iling ako. Nakatago pa ang mukha niya sa mga pinagsalikop na braso na nakapatong sa mesa. Diyan ako naiinis kay Albie. Tulog nang tulog kahit na may ginagawa kam

